Natatawang naalala ni Jessy Mendiola na mayroon siyang manliligaw noon na niregaluhan siya ng underwear.
Nagulat at naweirduhan daw si Jessy dahil alam ng manliligaw niya ang tamang size ng kanyang underwear nang wala siyang sinasabi rito.
"Well, hindi naman sa hindi ko gusto. But more of, like, nagulat ako na ginawa niya yun," sabi ni Jessy sa YouTube vlog niya kasama ang vlogger na si Crisha Uy.
Sumilip daw pala ang hindi pinangalanang lalaki sa closet ni Jessy.
Patuloy ni Jessy, "Sabi ko, 'Paano mo nalaman yung size ko?'
"May one time bumisita raw siya sa bahay namin. Tapos nasa baba kami kumakain kasama family ko.
"Sabi niya magsi-CR lang daw siya. Tapos pumunta siya sa closet ko. Chineck niya yung size ng underwear ko.
"Weird, di ba?! Hindi ako nagdyo-joke, seryoso!"
Kahit aminadong nagulat ay tinanggap pa rin daw ni Jessy ang regalong underwear.
Natatawang pag-amin niya, "Alam mo ginawa ko? Tinanggap ko. Maganda yung underwear."
Pero naloka raw si Jessy dahil hindi naman sila ng manliligaw para regaluhan siya nito ng intimate gift.
"Kaya lang ang weird lang. Wala pa kayo relationship.
"Eto guys, hindi ko ex yung nagbigay sa akin ng underwear. Manliligaw lang kaya nagulat ako. Na parang bakit mo ako bibigyan ng underwear?"
Natatawang dagdag ni Jessy, "Pero itinago ko yun kasi sayang naman, di ba?"
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
