Kinatuwaan ni Iya Villania ang narinig niyang dalawang guwardiya na pinag-uusapan siya sa kanilang radio handsets kahapon, July 5.
Mapapansing nasa isang mall si Iya sa kanyang Instagram Stories nang marinig niya ang palitan ng mensahe ng mga security guards.
Saad ni Iya sa kanyang post sa IG Stories, “'Kuya Guard 1 to Kuya Guard 2: Nandiyan si Iya Villania.'
"’Kuya Guard 2: Sino?'
"’Kuya Guard 1: Si Iya Villania. Mukha siyang lalaki.'"
Sabay ipinunto ni Iya sa kanyang caption na nakarating sa kanya ang batikos n Kuya Guard 1.
Caption pa ni Iya, "I HEARD EVERYTHING OVER THEIR RADIO, BOOM."

Sa halip na mainis, idinaan na lang ni Iya sa biro ang pagpuna sa kanyang hairstyle.
Sa isa pa niyang post, pabirong nagtanong si Iya kung "POGI BA" siya bilang lalaki.

IYA'S PIXIE HAIRCUT IS APPROVED BY HUSBAND DREW
Noong November 2020 nagpagupit si Iya at ginawang pixie cut ang kanyang buhok.
Ito na ang pinakamaiksi niyang style ng gupit sa buhok.
Dahil sa kanyang maiksing gupit noon, kung saan lalong lumutang ang ganda ni Iya, nagbiro ang asawa niyang si Drew Arellano na nabighani sa kanya.
Ani Drew, "Well I guess she wants another baby!"
Naglagay pa si Drew ng tatlong wacky face emojis at hashtag na "#rawr" na ibig sabihin ay hot para sa kanya ang asawang si Iya.

DONE WITH COVID-19 VACCINE
Samantala, fully vaccinated na sina Iya at Drew ng COVID-19 vaccine na Sinovac.
Naturukan sila ng kanilang second dose kahapon din.
Sabi ni ni Iya sa kanyang Instagram post, “2nd dose, DONE!!! Yay! Thank you to the Pasay LGU for the smooth process. May balak pa to keep the vial as memorabilia.
"Let’s go, guys! Let’s work towards getting back our REAL norm shall we #ResBakuna #Sinovac"
View this post on Instagram
Ayon naman sa asawang si Drew, “Fully vaxxed. Sending our utmost appreciation to Pasay LGU for the smooth process of our SINOVAC second dose. #resbakuna”
View this post on Instagram
Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
