PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gardo Versoza, 51, aminadong "lawanit" na si Machete

He adds, "Dati kamagong."
by Rommel Gonzales
Published Jun 26, 2021
Amindao si Gardo Versoza na "lawanit" na si Machete, ang 1994 movie na pinagbidahan niya. Sabi pa ng aktor, "Dati kamagong."
PHOTO/S: File; @gardo_versoza on Instagram

"Tira lang nang tira habang kaya pa ng balakang," ang umpisang sinabi ni Gardo Versoza tungkol sa kanyang patuloy na nagba-viral na mga Tiktok videos.

Dagdag pa ni Gardo... "Yung chill-chill anytime naman iyan, e, kumbaga hindi naman umaalis iyan, e.

"Iyang mga bakasyon, pahinga, kahit ano'ng oras, andiyan lang naman iyan."

Naitanong rin kasi namin ay Gardo sa Zoom mediacon noong June 24, 2021, para sa finale week ng First Yaya kung sa pagtatapos ng serye sa July 2 ay magpapahinga muna siya at hindi muna tatanggap ng trabaho para makapiling ang pamilya niya sa bahay.

Pero basta raw may offer, tatanggapin niya.

Sa katunayan, sa Sabado ay bida siya sa bagong episode ng Magpakailanman bilang si Dan, isang 50-year-old na lalaki na magkakaroon ng relasyon sa isang nakababatang babae na si Leila, na gagampanan ni Angela Alarcon.

"Magkalayo rin yung agwat namin, parang si PGA 'tsaka si Melody," pagkukumpara ni Gardo ng papel nila ni Angela sa Magpakailanman sa papel nina Gabby Concepcion bilang Pangulo ng Pilipinas na si Glenn Acosta at Sanya Lopez bilang Yaya Melody sa First Yaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero si Gabby, babyface siya, e, kaya kumbaga kahit mga teenagers, puwedeng malapit pa sa kanya, sa itsura niya, e."

Pero bata man ang itsura at kilos, lalo pa nga at malambot ang katawan niya kapag nagsasayaw sa mga Tiktok videos niya, aminado ang dating tinaguriang Asia's Sexiest Man na nagkakaedad na siya.

"Naku, kumbaga sa kahoy, lawanit na, e, dati kamagong, lawanit na," ang tumatawang sinabi pa ni Gardo.

Hataw nga siya kung sumayaw sa mga Tiktok videos niya, pero pag-amin niya, "nararamdaman ko na sa beywang!"

Biniro tuloy ng writer na ito ang aktor, "Si Machete pala ay lawanit na."

Ang Machete ay pinagbidahang pelikula ni Gardo noong 1994 na hango sa komiks, ang Machete II na kuwento tungkol sa isang istatwang kahoy na sa gabi ay nabubuhay at nagiging tao. Remake ito ng Machete: Istatwang Buhay, na pinagbidahan naman ni Cesar Montano noong 1990. Ginawa namang TV series ng GMA-7 ang Machete noong 2011 na ginampanan naman ni Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABOUT GARDO'S MAGPAKAILANMAN EPISODE

Samantala, sa kuwento ng Magpakailanman, disiotso anyos lamang si Leila na isang Papa’s girl. Kaya naman nang makulong ang kanyang ama at nag-asawa ng iba ang kanyang ina ay hindi niya ito matanggap.

Lumaking rebelde si Leila at maagang nakipagrelasyon, ngunit iniwan rin siya ng kanyang kasintahan at ipinagpalit sa ibang babae.

At sa panahon ng kanyang kalungkutan, nakilala niya si Dan na edad singkuwenta na, hiwalay sa asawa at may dalawang anak. At sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad ay na-in love si Leila kay Dan.

Nabuntis ni Dan si Leila ay nagsama na sila sa iisang bubong. Hindi niya inasahan na haharap siya sa isang kumplikadong buhay bilang madrasta ng mga anak ni Dan na mas matatanda pa sa kanya.

Hanggang kailan at hanggang saan kakayanin ni Leila ang pagsubok ng bagong buhay na pinasok niya? Hanggang kailan niya ipaglalaban ang kanyang sarili upang mahalin ng mga anak ni Dan? Hanggang saan siya dadalhin ng pag-ibig ni Dan sa kanya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mapapanood sa Sabado ng gabi, June 26, 8 p.m., ang episode ng Magpakailanman sa GMA-7 na pinamagatang "Batang Madrasta."

Tampok rin sa naturang episode sina Prince Clemente, Erin Ocampo at Jenine Desiderio.

Ito ay sa direksiyon ni Rechie Del Carmen, sa pananaliksik ni Stanley Pabilona at sa panulat ni Benson Logronio.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amindao si Gardo Versoza na "lawanit" na si Machete, ang 1994 movie na pinagbidahan niya. Sabi pa ng aktor, "Dati kamagong."
PHOTO/S: File; @gardo_versoza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results