Excited si Janella Salvador sa kanyang pagbabalik-trabaho pagkatapos ng 15 months.
Sa Instagram noong June 16, 2021, ibinahagi ni Janella ang kanyang litrato at idineklarang siya ay "able to work" na.
Sabi niya sa kanyang caption, "Today, I was finally able to work for the first time in fifteen months. #happyday"
Hindi naman binanggit ni Janella kung saang TV program siya lalabas.
Huling lumabas sa telebisyon si Janella noong February 2020 sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya katambal si Joshua Garcia.
Ang huli namang regular project na ginawa niya ay ang prime-time series na The Killer Bride na nagtapos noong January 2020.
Noong Marso 2020, isinailalim na ang buong bansa sa enhanced community quarantine (ECQ) kaya natigil ang produksyon sa telebisyon at pelikula.
Mula June hanggang August 2020, bali-balita na sa social media na siya ay nagdadalantao, pero walang makapagkumpirma nito.
Noong panahong iyon ay hindi pa umaamin sina Janella at ang kanyang boyfriend na si Markus Paterson sa tunay nilang relasyon.
Noong September 12, 2020 nila isinapubliko ang tungkol sa kanilang relasyon.
Noo'y nasa United Kingdom sina Janella at Markus, na siyang hometown ni Markus, kaya lalong lumakas ang bulung-bulungang buntis ang aktres.
Noong September 18, 2020, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na totoong nagdadalantao si Janella.
Nanganak si Janella noong October 2020 at ipinakilala nila ang anak na si Jude Trevor noong January 2021.
Nauna nang nagbalik sa trabaho si Markus nang siya'y magsimulang mag-taping para sa upcoming drama series na Viral.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
