PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal reveals reason behind sexy pictorial

“Sa totoo lang, mas maraming nam-bash...pero nasanay na ako."
by Rose Garcia
Published Jun 20, 2021
Kris Bernal on proudly flaunting the result of her physical fitness journey over the years through a sexy pictorial: “At least ngayon, nakita ko na may napuntahan ang pagwu-work-out ko and it’s something that I’m proud of, kasi not everyone maa-achieve yung fitness goal."
PHOTO/S: Courtesy: @krisbernal / @joshke_ on Instagram

Kamakailan lang ay nagpasabog ng kanyang mga sexy photos sa kanyang Instagram account ang aktres na si Kris Bernal.

Nang makausap si Kris ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Zoom app, diretsahan namin siyang tinanong kung bakit niya ito naisipang gawin.

Pahayag ni Kris, “Kasi parang feel ko, before getting married, parang feel ko na mag-iiba yung priorities ko.”

“Baka hindi ko na priority ang hitsura ko. Baka hindi ko na priority ang sarili ko kasi nasa ibang tao na ang attention ko.

“Hindi natin alam baka sooner or later, magkapamilya na ako. So hindi natin alam, baka lang ito yung last.”

Pakiramdam din daw ni Kris, posibleng ito iyong maituturing niyang best body na niya.

“Ito kasi yung season na nakakapag-work out ako,” paliwanag pa niya.

“Naaalagaan kong mabuti ang katawan ko.

"After years of working out, seven years of working out, heto na, na-get ko na nagre-react ang katawan ko. I feel I’m at my healthiest and strongest.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KRIS CLARIFIES NETIZENS' WRONG ASSUMPTIONS

Nilinaw din ni Kris na hindi raw porke’t nag-post siya ng kanyang daring pictorial kunsaan naka-two-piece bikini lang siya ay magbu-bold na siya.

Pagklaro niya, “Yun nga, it doesn’t mean naman na magbu-bold na ako or gusto kong magpapansin.

"Hindi naman sa ganoon. Kasi ngayon, feel ko naman na parang mas accepted naman iyong freedom of expression. Mas accepted na yung kumbaga, may konting skin.

“So ginawa ko siya.”

KRIS UNFAZED BY NEGATIVE REACTIONS TO HER SEXY PHOTOS

Tanggap din daw ni Kris kung hindi naging positibo ang reaksyon o comment ng ilang netizens sa pagpapa-sexy niya.

Ayon nga dito, “Ang daming may ayaw, siyempre.

“Mas maraming may ayaw. Actually, sa totoo lang, mas maraming nam-bash. Maraming nag-react na naman sa katawan ko, pero nasanay na ako.

“Nasanay na ako na every time I post something sexy or naka-bikini ako, nasanay na ko na palagi nilang sasabihin na 'ang payat-payat mo,' 'magpataba ka,' 'kumain ka.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, na-immune na ko roon. So, kapag binabasa ko siya ngayon, wala na, ano na iyan, seven years ago mo pang sinasabi sa akin na kumain ako, e, kumakain naman ako.

"Iyong ganoon, so tapos na. Hindi na ako affected.”

Bagamat may mga positibong commen, mas marami raw talaga ang negatibong reaksiyon. At sa palagay raw niya, hindi talaga sanay ang netizens na nagpapa-sexy siya.

“Mas marami ang negative maybe kasi nga, hindi talaga sila sanay na nakikita akong nagsu-swimsuit or... kasi, nag-topless talaga ako.

“Hindi sila sanay na ganoon. And siyempre, nag-react sila na, 'Bakit kailangan mong gawin?'

"At sabi ko nga, it’s for my birthday. Kasi nga, hindi pa ko nakagawa ng ganoong photo shoot ever. And at the same time, hindi naman siya yung daring na nagpakita na ako all-out.

“It was artistically done naman,” depensa niya.

Para rin ba itong "remembrance" ng huling taon na single siya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Oo, parang ganoon,” natawang pagsang-ayon niya.

“Na once in my life, ganito kaliit ang beywang ko, nagkaroon ako ng abs. Para may balikan ako na nagawa ko ‘to.”

IS KRIS' FIANCÉ HAPPY ABOUT HER SEXY PICTORIAL?

Kinumusta rin namin kay Kris kung ano ang naging reaction ng kanyang fiancé na si Perry Choi sa ginawa niyang pagpapa-sexy, lalo pa nga’t malapit na silang ikasal.

Sabi naman ni Kris, “Si Perry kasi, very supportive naman siya. 'Kung ano ang gusto mo, gawin mo.'

"Walang pakialamanan. The same way na kung ano rin ang gusto niya, huwag mo rin akong pakialaman.

“Parang ganoon lang kami at hinayaan niya lang ako.”

Pero hindi itinanggi ni Kris na magkaiba ang reaksiyon ng fiancé niya at ng mga future in-laws niya.

“Of course, his family is very conservative,” saad niya.

“Na-explain naman naming mabuti kung bakit ko ito ginawa. It’s just one time at natapos naman na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So may explanation na kailangang mangyari because his family is very conservative.”

Kahit naman daw ang pamilya niya, nagtanong din sa kanya at ipinaliwanag din niya ang kanyang dahilan. At nagpapasalamat din si Kris na naintindihan nila ang kanyang saloobin tungkol dito.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on proudly flaunting the result of her physical fitness journey over the years through a sexy pictorial: “At least ngayon, nakita ko na may napuntahan ang pagwu-work-out ko and it’s something that I’m proud of, kasi not everyone maa-achieve yung fitness goal."
PHOTO/S: Courtesy: @krisbernal / @joshke_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results