Halos pitong taon nang hindi aktibo sa showbiz ang dating sexy actress at TV host na si RR Enriquez.
Ang huling TV shows na kinabilangan niya ay ang Amazing Race Philippines (2014) at Happy Wife, Happy Life (2015) na parehong lumabas sa TV5.
Sabi ni RR, “It’s been a while. It’s like mga seven years na wala na rin ako sa showbiz.”
Wala ba siyang balak bumalik sa showbiz industry?
Tugon niya, “Actually, mas nag-e-enjoy talaga ako sa life ko ngayon.
“I mean, no offense, parang nae-enjoy ko yung RR Enriquez na businesswoman and ano, traveler.
“Parang mas nae-enjoy ko siya ngayon, wala akong plan, as in.”
Nami-miss ba niya ang buhay sa showbiz?
Saad nito, “To be honest, kasi social media is very powerful nowadays, di ba?
“So, may mga… nagba-vlog naman ako, may mga iba’t ibang platforms ng social media, so puwede kang…
"Feeling ko, hindi naman ako nawawala sa showbiz kasi mas marami namang nanonood ngayon, like kunyari itong Calamansi, mas maraming makikinig sa iyo at sa iba’t ibang klaseng social media.
“So, feeling ko, hindi na siya gaano ngayon ka-active sobra, yung TV. Mas bumu-boom ngayon yung social media.
“So, wala akong... hindi ko siya nami-miss.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RR via Calamansi App podcast noong Miyerkules, May 26.

BUSINESSWOMAN RR
Malaki ang pasasalamat ni RR dahil sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic, pumatok naman ang negosyo niyang Cryolipo coffee.
View this post on Instagram
Herbal daw kasi ito kaya maraming netizens ang nahikayat na bumili at magbenta.
Paano ba niya naisipang pumasok sa negosyo?
Kuwento ni RR, “Bata pa lang ako mahilig na ako magbenta-benta.”
Noong nasa dating noontime show ni Willie Revillame sa ABS-CBN na Wowowee pa si RR, nagsimula na raw siyang magbenta ng whitening lotion sa kanyang mga kasamahan.
Dagdag niya, “Kaya nung nagkaroon ako ng pera, sabi ko, why not have my own business, di ba?
"Kasi feeling ko, yun talaga ang pinakaimportante na meron kang sariling business."
Noong nagbenta na siya ng kape online, idinaan daw ni RR sa pagiging jologs ang kanyang promotion.
Hindi niya inaasahang pumatok ito at umabot na sa ibang bansa.
MISSING TRAVELS
Isa naman daw sa nami-miss ni RR ang pagta-travel.
View this post on Instagram
Bago ang COVID-19 pandemic, gumagawa raw siya ng paraan para makapagbakasyon dito sa Pilipinas o abroad.
Aniya, “Actually, alam niyo nakakatawa, kapag nali-lift yung ECQ [enhanced community quarantine] whatsoever, tapos puwede nang mag-travel, talagang gumagawa kami ng way ng mga barkada o ng boyfriend ko na maka-travel talaga kahit pandemic.
“I mean, siyempre kailangan precautions pa din, mag-ingat pa rin. So, nag-iingat naman kami and we are taking vitamins and mga precautions.
“So, I think, baka kasi may mam-bash sa akin, sabihin puro ako travel.”
Sa ngayon, wala pa raw balak si RR na magpabakuna ng COVID-19 vaccine.
Saad niya, “Actually, wala akong plan. I don’t have any plans na magpa-vaccine.
“Maybe two years from now, gusto ko muna makita sa iba yung effect bago ko siya gawin.”
Para makapakinig ng PEP.ph podcast, mag-download ng Calamansi App sa Google Play or sa App Store
