Nagpaliwanag si Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico kung bakit hindi niya sinuot ang ginawang gown para sa kanya ni Michael Cinco sa 69th edition ng Miss Universe pageant noong Mayo 17.
Si Cinco ay ang kilalang Filipino fashion designer na based ngayon sa Dubai, United Arab Emirates.
Sa katatapos lang na Miss Universe pageant, ilang kandidata ang nagsuot ng mga likhang gowns ni Cinco.
Kabilang din dito si Miss Universe 2017 Demi Leigh Tebow, na isa sa mga host ng katatapos lang na pageant.
Nasangkot pa nga sa kontrobersiya si Cinco matapos siyang akusahan ng Miss Universe Canada team na sinabotahe niya umano ang kandidata nilang si Nova Stevens.
ANDREA meza EXPLAINS
Kamakailan ay nagsagawa ang bagong Miss Universe 2020 ng Instagram Live.
Dito ay sinagot niya ang ilang katanungan mula sa kanyang fans.
Isang netizen ang nag-usisa kung bakit hindi sinuot ng bagong Miss Universe ang gown na ginawa para sa kanya ni Cinco sa mismong pageant.
Ibinahagi ni Andrea ang dahilan.
Sabi niya, bagamat maganda ang gown, may binabagayan daw itong uri ng sapatos kaya nagdesisyon siyang huwag na lang suotin sa preliminary o sa grand coronation.
Paliwanag ni Andrea: “It was a lovely dress, a white dress.
“But the reason why I didn’t wear it was because it wasn’t long enough for me.
“It fitted perfectly, but I could only wear it without heels.
“And, of course, I wanted to wear heels. That’s why I didn’t use it."
Sa kabila nito, nagpasalamat pa rin si Andrea kay Cinco sa ipinadala nitong gown.
“But thank you so much, Michael Cinco, for sending that beautiful dress.
“And I hope in the future I can wear other of your designs.
“You are so talented.”
Ang gown na isinuot ni Andrea ay ang red fringe gown na gawa ng Mexican designer na si Ivis Lenin.
CINCO APPRECIATES ANDREA’S GESTURE
Mismong si Cinco ang nagbanggit sa isang Facebook post na ginawan niya ng evening gown si Andrea, pero hindi nga ito nasuot ng Mexican beauty queen sa international pageant.
Nang masangkot si Cinco sa isyu ng Miss Universe Canada team, nagpakawala ng mahaba at matapang na post si Cinco laban sa kampo ni Miss Canada.
Pinasinungalingan ni Cinco ang akusasyon sa kanya ng team ni Miss Universe Canada.
Sa post ay nabanggit din ni Cinco na ginawan niya ng gown sina Miss Romania Bianca Tirsin, Miss Czech Republic Klara Vavrushkova, at Demi para sa Miss Universe pageant.
Nabanggit nga ni Cinco na hindi nasuot ni Andrea ang gown sa prelims man o grand coronation night.
Pero sa kabila nito, nagpasalamat pa rin daw sa kanya si Andrea matapos siyang manalong Miss Universe.
Bahagi ng post ni Cinco: “I’ll add Miss ROMANIA, Miss MEXICO and Miss CZECH REPUBLIC who all wore couture gowns from my latest collection in Preliminaries.
“Let me just add that they are endlessly thankful.
“The new Miss UNIVERSE Andrea Meza of MEXICO who was not able to wear my gown at either nights, even took time to send me a THANK YOU message right after her coronation," ani Cinco.
