Trending sa social media ngayong Martes, May 25, ang trans woman at Miss Q&A 2018 second runner-up na si Lars Pacheco.
Inaakusahan ng maraming netizens at BTS fans si Lars na sinexualize umano nito ang member ng sikat na K-Pop boy group na si Taehyung o V.
Kahapon, May 24, nag-upload si Lars at ang boyfriend niyang si Clyde Vivas ng video content sa Facebook na may caption na "DI KO NA KAILANGAN PUMILA SA BTS."

Makikita sa video na humahanga umano si Lars sa kaguwapuhan ni V.
Makikita rin sa video na in-upload na nakatapis lang ng tuwalya si V kaya inutusan siyang magbihis ni Clyde, na siyang kumukuha ng video.
Minsan ay hinahalikan din ni Lars ang screen ng TV na naka-display ang larawan ni V.
May mga nagsabi umano sa kanyang pumila para makilala si V at ang ibang miyembro ng BTS.
Sabi pa ni Clyde, kahit ano raw ang gawin ni Lars ay hindi siya papansinin ni V. Pero giit ni Lars na mapapansin siya ng Korean pop star.
Dito na tinanggal ni Lars ang harapang bahagi ng tuwalyang nakatapis sa kanya at ipinakita sa larawan ni V ang hubad niyang katawan.
Ito raw ang paraan niya upang mapansin ng BTS.

Nang ibahagi ang larawang ito ito sa social media, magkahalo ang reaksiyong natanggap nila mula sa netizens.
Pero lamang ang galit ng netizens, lalo na ng fans ng BTS na kung tawagin ay “Army.”
DISTASTEFUL?
Sa Twitter ay trending ngayong araw si Lars.

Pati sa Facebook ay “popular” ang nakalagay kapag i-search ang kanyang pangalan.
Hindi matanggap ng karamihan ang ginawang “sexualization” ni Lars kay V.
Ayon sa isang nag-share sa Facebook: "LARS PACHECO A CANDIDATE OF MISS Q&A WHO SEXUALIZE KIM TAEHYUNG ON HIS VIDEO!!
"SERIOUSLY SEXUALIZING TAEHYUNG?? THE HECK THIS IS SO DISRESPECTFUL WAG PURO SUSO SIS KAILANGAN MO DIN NG MAAYOS NA ISIP ANG TANDA MONA PERO ANG BASTOS MO IKAW NA ATA SUSUNOD KAY JAM MALIGNO SA KATANGAHAN AT ISA PA ANONG TAEWONG/TAEHONG BOBA TAEHYUNG YUN PAYO KOLANG SAYO ILUGAR MO YANG KAHIBANGAN MO AT KUNG PWEDE LANG IDELETE MO NA TO AT ISA PA DIKA TANGGAP SA FANDOM DI NAMIN KAILANGAN NG KULANG SA ATENSIYON NA TULAD MO NAKAKAHIYA KA!!"

Narito pa ang ibang reaksiyon ng netizens:
"the video was not entertaining at all, you just pissed us off and that is not a sincere apology Lars Pacheco we can't just forgive you after you sxualized and disrespected Taehyung, if you are smart enough you shouldn't have done that in the first place"
"Srsly, Lars Pacheco? Pls, you're not welcome in this fandom if u think sexualizing an idol is normal and still part of ur fangirling. Tbh, ur recent video is so disgusting. Yes, Taehyung is handsome and hot, but that isn't enough reason for u to sexualize & disrespect him. At least show some decency. Nakakadiri ka."
"Srsly, Lars Pacheco? Pls, you're not welcome in this fandom if u think sexualizing an idol is normal and still part of ur fangirling. Tbh, ur recent video is so disgusting. Yes, Taehyung is handsome and hot, but that isn't enough reason for u to sexualize & disrespect him! pls educate urself. i'm disgusted."
"As a part of LGBT Community im devastatingly dissapointed with Ms. Lars Pacheco action to her latest video uploaded on Facebook.
"You're also an influencer and a professional, we should act like one miss ma'am.We should respect ourselves to be respected, miss maam.
"We should know our boundaries and limits as a fan/simper towards Kim Taehyung, He don't deserve to he sexualized nor mabastos. I hope you'll learn your mistake."
Ganito rin ang mga reaksiyon ng netizens sa Twitter:
"Sexualizing anyone in any circumstances is wrong from any angle. Lars Pacheco shouldn't be defended in any aspect. Peenoise needs to stop using that fracking makabayan card just to justify our country. We should hold her accountable for her actions. Taehyung should be respected."
"Lars Pacheco, don't pull the "for entertainment purposes only" card here. It is not an issue of being in a fandom but objectifying someone for your content is.
"You are a huge influencer so you should use it for a greater good. You should learn your lesson. #MassReportLarsPacheco"
LARS APOLOGIZES
Sa Facebook ngayong hapon, nag-live si Lars kasama ang boyfriend na si Clyde Vivas.
Humingi sila ng paumanhin sa netizens na nabastusan sa kanilang ginawa, gayundin sa fans ng BTS na na-offend sa kanilang ginawa.
Lahad ni Lars, "Ang video po na yun ay ginawa namin nung May 24, about 6 P.M., so papunta kami ng isang party.
"Ako nagbibihis ako, and then si Clyde nagpi-play siya ng mga songs nung boyband.
"So, tinanong ko kung sino yung isang member. And sabi ko, 'I-pause mo nga,' ganyan, ganyan."
Dito na raw siya inutusan ni Clyde na kausapin kunwari si V, at binidyuhan siya.

Patuloy ni Lars, “I have no intentions to sexualize him and bastusin, or manyakin siya.
"It’s just that, akala namin it will appear funny, nakakatawa, ganyan, and nakakatuwa. Akala namin ay matutuwa kayo.
"So, hindi ko alam, and without my intentions, it appears to be sexualizing someone. Pero gusto ko lang pong linawin kasi hindi ko po sinexualize si V.
"And wala po akong balak na gawin yun dahil nasa harapan ko po ang boyfriend ko. Si Clyde po ang nagbi-video sa akin nun."
Nagpaliwanag din si Clyde na hindi intensiyon ng girlfriend na i-sexualize ang BTS member.
Hindi rin daw nila binababoy at binabastos si V.
Ang nais lamang daw nilang iparating sa mga tao sa kanilang video ay “good vibes, good vibes.”
Dagdag pa ni Lars, “Mali na hindi lumabas kung ano yung intensiyon naming ipalabas.”
Kaya naman humihingi siya ng dispensa.
Sabi ni Lars, "It appears to be negative so I’ll take responsibility for that. Pasensiya na po kayo kung ganun po ang kinalabasan.”
May mga nag-udyok sa kanyang mag-public apology pero hindi pa raw ito sapat sa maraming netizens.
Saad ni Lars, "And sabi ko nga, if nagkamali man ako ng kinalabasan iba naman sa intensiyon ko, yun nga, sabi ko naniniwala ako lagi na, 'The end does not justify the means.'
"So, kung ano man yung kinalabasan nun, pasensiya na po kayo. Hindi po 'yon yung intensiyon namin na mabastos o mababoy ang isang tao."
Pero hindi rin daw matanggap ni Lars na dumating pa sa puntong wini-wish ng ilan na may masamang mangyari sa kanya.
Sabi niya, “Yes, I admit na lumabas siya as sexualizing someone. Pero para i-wish mo na mamatay na yung isang taong nagkamali and i-wish mo siya ng mga masasamang bagay, like, nakakabasa ako na, 'Mamatay ka na ngayon na,' that is so evil.
"Parang mas masahol na kayo dun sa taong inakusahan niyong nag-sexualize kasi parang hindi na pang-normal na tao yung wini-wish niyo para sa akin.
"Na para, 'Mamatay ka na,' ganyan, 'Ma-stroke ka sana ngayon,' ganun po yung mga nababasa ko.
"And ako naman, wala naman po akong problema if people are attacking me kasi nagkamali naman talaga ako.”
Nagpasalamat naman siya sa fans na pinayuhan siyang huwag na niya itong uulitin.
Sa huli ay humingi muli ng dispensa si Lars sa netizens at BTS fans na kanyang nasaktan.
Humingi rin siya ng pasensiya kay V mismo.
