PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta on allegation that Kiko Pangilinan hit her

Sharon addresses allegation that her husband physically hit her.
by Bernie V. Franco
Published May 24, 2021
Sharon Cuneta wishes that her late father was still alive: “Wish you were here to punch some people in the face for me! Hahaha!”
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram

Nagsalita si Sharon Cuneta, 55, tungkol sa bashers na nagbibigay malisya sa pagpunta niya sa Amerika.

May mga kritiko raw kasi ang Megastar na nagsasabing kaya raw siya tumulak papuntang US ay dahil sinaktan umano siya ng asawang si Senator Kiko Pangilinan.

May karelasyon din daw bagets si Sharon.

Lumipad patungong Los Angeles, California ang Megastar noong May 11, 2021.

Binanggit ni Sharon sa kanyang post na pansamantala muna siyang mamamalagi sa Amerika.

Tahasan namang itinanggi ni Sharon ang mga ibinabatong akusasyon sa kanya.

Itinanggi niya ang alegasyong sinaktan umano siya ni Senator Kiko kaya siya nag-alsa-balutan papuntang Amerika.

“Ang OA naman ng istorya!” sagot ni Sharon sa artikulo ng entertainment columnist na si Cristy Fermin, na lumabas sa Abante Tonite nitong May 22, Sabado.

“Bago pa ako madapuan ng kamay ng kahit sinong lalaki, e, siguradong may nangyari na sa kanya!

“At ang bilin ng tatay ko, minsan lang akong saktan ng lalaki, iwan ko na agad!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ama ni Sharon ay ang pumanaw na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta.

“Mula kay Gabby, awa naman ng Diyos, wala akong nakilalang nanakit sa akin!”

Si Gabby Concepcion ay ang unang asawa ni Sharon at ama ng kanyang panganay na anak si KC Concepcion.

Itinanggi rin ng singer-actress na may karelasyon siyang mas bata.

Pero nagbiro siyang maaari siyang pumatol kung ang bagets ay ang Korean stars na sina Ji Chang Wook at Cha Eun Woo.

SHARON’S TWO WEDDING RINGS

Samantala, kamakailan din ay nag-post si Sharon sa Instagram ng makahulugang mensahe.

Sana raw ay buhay pa ang kanyang ama dahil may mga taong nais niyang ipasuntok sa mukha.

Ipinost sa Instagram ni Sharon ang larawan niyang naka-facemask at naka-jacket.

Mababasa sa jacket niya: “I FEEL LIKE PABLO.”

Caption ng singer/host/actress: “I do feel like Pablo. Not Kanye, but Pablo Cuneta.

“Oh Daddy… I miss you so much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wish you were here to punch some people in the face for me! Hahaha!”

Sa comments section, may isang netizen na nakapansin sa maraming suot na singsing ni Sharon.

Sumagot si Sharon at sinabing may suot siyang dalawang “wedding rings.”

Aniya, “Those are my other ‘wedding rings’ for two different wedding anniversaries.

“The one ring on my other hand is my Daddy’s wedding ring.”

Hindi naman malayo na ang isa pang wedding ring ay ang sa kanila ng asawang si Senator Kiko.

Samantalang ang isa pa niyang suot na singsing na may malaking bato ay kanyang birthstone.

“Oh and that big red ring is my birthstone., the Garnet.

“I always wear it. Someone said it’s supposed to be my ‘power ring.’ Naks.”

IG Comment: Netizen asks about Sharon Cuneta wedding rings

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi naman nakapagpigil ang isang netizen na tanungin kung nasaan na ang wedding ring niya mula sa unang asawang si Gabby.

Tanong ng netizen: “Ms. Mega I hope you won’t mind my curiosity but did you keep your wedding/engagement ring from Gabby C?”

Sagot ni Mega: “I gave my wedding ring to KC many years ago.”

IG Comment: Netizen asks about Sharon wedding ring with Gabby

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IG Comment: Sharon Cuneta answers question about wedding ring

Ikinasal sina Sharon at Gabby noong 1984. Ipinanganak naman si KC noong April 7, 1985.

Tatlong taon matapos isila kasal, nagkahiwalay sina Sharon at Gabby.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta wishes that her late father was still alive: “Wish you were here to punch some people in the face for me! Hahaha!”
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results