PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang gets first jab of Sinovac COVID-19 vaccine

Ronnie Liang encourages everyone to get vaccinated.
by Rommel Gonzales
Published May 22, 2021
Ronnie Liang on getting vaccinated: "One good thing about us is fighter tayong lahat. Sa kabila ng mga pinagdadaanan natin as a country, nahahanap pa rin natin yung reason to smile and live. Also, huwag tayong matakot na magpabakuna."
PHOTO/S: @ronnieliang on Instagram

Masayang ibinalita ng singer na si Ronnie Liang sa social media na naturukan na siya ng Sinovac COVID-19 vaccine noong Biyernes, May 21.

Sa post ni Ronnie, sinabi niyang malaking bagay na mabakunahan laban sa COVID-19.

Aniya, “Got my 1st dose of #SinoVac today. Let us unite against Covid-19. I believe one of the best ways to beat Covid-19 is to be vaccinated.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wish din niyang mas marami pang Pilipino ang mabakunahan laban sa mapinsalang sakit na COVID.

Pahayag ni Ronnie, “Lalabanan natin ang virus na ito.

"One good thing about us is fighter tayong lahat. Sa kabila ng mga pinagdadaanan natin as a country, nahahanap pa rin natin yung reason to smile and live.

"Also, huwag tayong matakot na magpabakuna."

ARMY RESERVIST

Nakumpleto ni Ronnie ang kanyang training bilang army reservist noong February 2020. Nang na-lockdown ang National Capital Region ay nagsimula siyang mag-volunteer as reservist noong March 17, 2020.

Kabilang sa mga responsibilidad niya bilang frontliner ay maghatid-sundo sa mga medical workers, at habang nasa service ay hinaharana niya ang mga ito.

Nagbantay rin ang Viva artist sa mga checkpoint suot ang kanyang army uniform kahit matindi ang sikat ng araw.

Naging parte rin siya ng AFP Mobile Kitchen kung saan namahagi sila ng pagkain during lockdown sa ilan nating mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namahagi rin ng plane tickets ang aktor sa mga locally stranded individuals (LSI) sa Rizal Stadium and Army Gymnasium.

In addition to his duties, nag-donate din siya ng groceries worth P70,000 at 100 pillows, sa pakikipagtulungan sa APG International Aviation Academy and Sylpauljoyce Furnitures, sa army hospitals.

Nabanggit noon ni Ronnie sa PEP.ph, “I want to help, contribute, and be part of the solution in fighting against COVID-19, while preserving our force by serving those who served. Let's unite against a common, invisible enemy.

"Ito ay panahon talaga ng pagkakaisa at pagtutulungan kahit ano pang katayuan, posisyon, pananaw mo sa buhay."

Sa ngayon ay tuloy pa rin ang duty ni Ronnie as reservist. Tumutulong pa rin siya sa paglaban ng bansa sa COVID.

Isa rin siya sa mga hurado sa Sing Galing ng TV5 kasama sina Jessa Zaragoza at Rey Valera.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang on getting vaccinated: "One good thing about us is fighter tayong lahat. Sa kabila ng mga pinagdadaanan natin as a country, nahahanap pa rin natin yung reason to smile and live. Also, huwag tayong matakot na magpabakuna."
PHOTO/S: @ronnieliang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results