Walang sama ng loob at pagsisisi si Rabiya Mateo na nabigo siya sa kanyang pangarap maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas.
Hanggang Top 21 lamang ang inabot ni Rabiya sa timpalak.
Ilang sandali pagkatapos ng grand coronation ng 69th edition ng Miss Universe ngayong araw, May 17, nag-Instagram live ang kapwa kandidata ni Rabiya na si Miss Bolivia Lenka Nemer D'rpic.
Dito ay nagkuwento si Rabiya tungkol sa kanyang karanasan sa pageant. Nai-post ito sa fan account ni Rabiya sa Instagram na @rabiyauniverse.
Ayon sa 24-year-old Ilongga beauty queen, magandang simulain ito para sa kanilang Miss Universe 2020 sisters dahil nakabuo sila ng pagkakaibigan sa buong yugto ng pagsasama nila sa Florida.
Saad ni Rabiya, “This is like a start, a beautiful start for something new.
"And actually, it’s just gonna be one girl who’s gonna be crowned, but I know in my heart, everyone of us, we are alright even without that crown.”
Pagsang-ayon ni Miss Bolivia, “And also, I think that I was telling the girls, the crown is just a few months, or a year maybe.
“But friendship, us, is going to be for life.”
Ayon kay Rabiya, malaki ang impact ng kanilang partisipasyon sa Miss Universe 2020 dahil hindi naman araw-araw na naire-represent nila ang kanilang mga bansa. Kaya malaki ang pasasalamat nila na nabigyan sila ng pagkakataon.
Pahayag niya, “And the impact that you made is also for life.
“It’s not every day that we got to represent our countries.
“So, this is really a great opportunity for all the girls and we are happy to be here.
“Thank you so much for your support.”
View this post on Instagram
Miss Universe 2020 winner
Si Andrea Meza ng Mexico ang kinoronahang Miss Universe 2020 sa katatapos na grand coronation ng prestigious international beauty pageant.
Ginanap ang grand finale sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood, Florida, USA, ngayong May 17, 2021 (May 16 sa U.S.)
