Laugh trip ang nagkalat na memes tungkol sa dating mainit na magkatunggali sa Miss Universe 2012 na sina Olivia Culpo ng USA at Janine Tugonon ng Philippines.
Si Olivia ang nag-uwi ng korona bilang Miss Universe, habang first-runner up noon si Janine.
Hindi inaasahang nabuhay ang paniniwala ng avid Pinoy fans na ang pambato ng bansa na si Janine ang karapat-dapat nanalong Miss Universe 2012 noon.

Ito ay matapos umani ng batikos si Olivia dahil sa hindi kaaya-ayang performance nito bilang host sa kakatapos na 69th Miss Universe sa Florida, USA.
Si Olivia at ang host ng Access Hollywood ng NBC na si Mario Lopez ang itinalagang hosts ng pageant na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino, noong Linggo ng gabi, May 16 (US time).
Sinasabing wala raw kabuhay-buhay sina Olivia at Mario sa kanilang hosting style.
Mas napansin ng Pinoy fans ang hindi magandang performance ni Olivia nang pabirong humirit si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa na puwedeng pumalit na host si Janine kay Olivia.
Hirit ni MJ habang ongoing ang pageant: "Kaya mo pa siguro Miss Olivia, andito si JT kung indi na"
Ang tinutukoy na "JT" ay si Janine Tugonon, na tulad ni MJ ay live nanonood ng Miss Universe at naroon lamang sa audience.

NETIZENS' REACTIONS
Bunsod nito ay nagsunud-sunod ang tweets mula sa Filipino netizens na naalalang mahigpit nga palang magkalaban sina Janine at Olivia noong Miss Universe 2012.
Narito ang kuwelang meme na kunwa'y namataan daw ni Olivia si Janine na nanonood sa audience.

Hirit pa ng iba, handa raw mag-substitute si Janine na naroon lamang sa audience.

Nagbiro pa ang ibang netizens na pasok naman sa Miss Universe rule na kung hindi kayang magampanan ng Miss Universe titleholder ang duties nito ay papalit ang first runner-up.
"Pasok @janine_tugonon!" hirit ng netizen.

May meme pa na kunwari ay papunta na talaga ng stage si Janine para palitan si Olivia.

Dapat daw ay ipasalang ulit sa Q&A sina Janine at Olivia para magkaalaman kung sino ang deserving na Miss Universe 2012 titleholder.

Tingin pa ng iba ay si Janine talaga ang dapat nanalo.

JANINE TUGONON'S REACTION
Tila nakarating agad kay Janine ang reaksiyon ng Filipino netizens na humihirit na dapat ay siya na lang ang ginawang 69th Miss Universe host kaysa kay Olivia.
Isang netizen na nagngangalang Jerome Bernardino ang nag-tweet na palitan nila ng direct messages ni Janine sa Instagram habang nagaganap ang pageant.
Ipinakita ni Jerome kay Janine ang screenshot ng hirit ni MJ Lastimosa tungkol sa kakulangan sa energy ni Olivia na mag-host at puwedeng substitute muna si Janine.
Sagot ni Janine, "Kaloka talaga tong si mj hahahaha."

Nagkita naman sina Janine at MJ matapos ang pageant program base sa litrato nila na ibinahagi ni MJ sa Twitter.
Tila hindi pa rin tapos si MJ sa kuwelang hirit nito tungkol sa hosting ni Olivia base sa malamang tweet ni MJ.
Caption ni MJ sa litrato nila ni Janine, "May kakausapin lang kami ni JT ng masinsinan."
Ni-retweet ito ni Janine kalakip ng dalawang laughing with tears emojis.

Narito ang kuha ng late-night bonding nina MJ at Janine:

Ang itinanghal na Miss Universe 2020 ay si Miss Mexico Andrea Meza.
Ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ay umabot ng Top 21 semifinalists.
Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
