Hindi napigilan ni Rabiya Mateo ang kanyang mga luha nang mag-live stream ito sa Instagram TV nitong May 13, 2021 (May 14 sa Pilipinas). Ito ay matapos ang national costume show ng Miss Universe 2020 pageant na ginanap sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Florida.
View this post on Instagram
Maraming Pinoy pageant fans ang nakapansin na hindi kumpleto ang national costume na suot ni Rabiya.
Kabilang na rito ang sun-inspired headpiece na ginawa ni Manny Halasan na kukumpleto sana sa national costume ng yumaong fashion designer na si Rocky Gathercole.
Sa Instagram account ng @pageanthology101, makikitang mas mahaba ang red-and-blue train ng national costume ni Rabiya. Ngunit maiksi na ito nang rumampa na siya sa stage.
View this post on Instagram
Agad namang nagpaliwanag si Rabiya sa Instagram na nagkaroon siya ng minor accident sa backstage ng venue.
Hindi eksaktong sinabi ni Rabiya kung ito ang dahilan kung bakit niya hindi nasuot ang sun-inspired headpiece.
Pero lumalabas na dahil sa minor accident niya ay nagahol siya sa oras sa kanyang preparasyon bago rumampa sa stage.
Naluluhang kuwento ni Rabiya: "Sabi ko I just wanna do a quick live to tell you guys na I'm so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin but I know na I did my best.
"I even cut my finger earlier and yung stockings ko, puno na rin siya ng dugo but I kept fighting kahit wala nang oras. I didn't have time to retouch my hair, to retouch my makeup.
"Like, I was there. I was running for pins, I was running for scissors, for everything, just to be able to execute, you know, the costume really well."
Sa pagtatapos ng kanyang two-minute Instagram Live, taos-puso ring nagpasalamat si Rabiya sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.
Sinabi rin nitong maigi niyang paghahandaan ang preliminary competition ng Miss Universe na gaganapin naman ngayon May 14, 2021 (May 15 sa Pilipinas).
"Kaya maraming maraming salamat talaga guys, ha. I think, in myself kanina, I felt really great. Feeling ko nung naglalakad ako, I was so beautiful.
"Nakita ko yung cheer ng mga judges, nakita ko yung sigawan ng mga Pilipino kaya nagpapasalamat talaga ako sa suporta.
"Thank you so much guys and tomorrow may competition pa tayo and again, malaking laban ulit kaya ipagdasal niyo sana kaming lahat mga girls to execute yung pinaka-best performance na kaya namin.
"Because our girl really is to make our country proud. Kaya sana, sana, sana maging proud din kayo sa akin kasi it's never easy pero kinakaya ko para sa inyong lahat. Again, maraming salamat."
Samantala, gaganapin sa May 16, 2021 (May 17 sa Pilipinas) ang grand coronation ng Miss Universe 2020 pageant sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood Florida.
