PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennica Garcia to transfer to a new house with kids

Jennica Garcia wants to start fresh as she moves to a new house with her kids.
Published May 9, 2021
Jennica Garcia starts selling furniture from her house as she moves to a new home: “Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata. Start fresh ika-nga."
PHOTO/S: @jennicauytingco on Instagram

Nagsisimula nang magbenta ng furniture at house items si Jennica Garcia.

Ito ay matapos niyang magdesisyong umalis at lumipat ng bahay kasama ang kanyang mga anak na sina Mori, 4, at Alessi, 3.

Unang ipinaalam ni Jennica ang plano niyang paglipat sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram post kahapon, May 8.

Ito ay nang ianunsiyo niya ang naganap na live-selling ng mga damit, home items, at furniture sa kanyang Facebook page kahapon.

Ayon kay Jennica, ayaw na niyang dalhin ang mga gamit na ito sa lilipatan nilang unit para raw sa “fresh start.”

Hiniling pa niya na sana raw ay ma-sold out ang mga gamit niya.

Sabi ni Jennica, “Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata. Start fresh ika-nga. Hanep! Naka hugowt pa sa morning.

“Sana sold out po ulit tayo ha? See you!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section naman ay ipinahabol ni Jennica ang mga gamit na ibebenta niya.

Kasama rito ang isang study table na “mahal na mahal ko pero ayoko ang memories na kaakibat niya haha!”

Ibinebenta rin ni Jennica ang isang rustic pastel blue table na ginamit daw noong wedding niya.

Paki-usap pa niya sa kanyang followers: “paki bili po”

Instagram Post: Jennica Garcia sells furniture

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

March 2021 nang lumabas ang usap-usapang nagkakalabuan na ang relasyon ni Jennica at ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco.

Ito ay matapos na magsimulang gamitin ni Jennica ang kanyang maiden name sa kanyang social media accounts.

Hindi pa direktang nagsasalita si Jennica tungkol sa kanilang relasyon ni Alwyn, pero sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin noong March 30, hindi pa raw niya kayang magkuwento tungkol dito.

Si Alwyn naman ay nag-a-upload sa Instagram ng cryptic posts tungkol sa kanyang buhay ngayon.

Ikinasal sina Jennica at Alwyn noong February 12, 2014 sa isang secret wedding ceremony.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennica Garcia starts selling furniture from her house as she moves to a new home: “Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata. Start fresh ika-nga."
PHOTO/S: @jennicauytingco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results