PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin not offended by Alvin Elchico

Angel Locsin reaches out to Alvin Elchico after TV Patrol anchor was bashed.
by Arniel C. Serato
Published Apr 26, 2021
Actress-philantropist Angel Locsin on TV Patrol anchor Alvin Elchico's line of questioning: "Tinanong nya po ang mga tamang tanong na gustong marinig ng tao ang sagot."
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Hindi na-offend si Angel Locsin sa paraan ng pagtatanong ng TV Patrol anchor na si Alvin Elchico.

Ito ang ipinaabot na mensahe ni Angel kay Alvin sa pamamagitan ng kanyang pamangkin na si dating Congressman Neri Colmenares.

Sa Twitter, ibinahagi ni Alvin ang mensahe sa kanya ni Colmenares kahapon, April 25.

Mababasa sa screenshot ng mensahe sa kanya: “From gel: Kuya pakisabi hindi po ako na-offend.

“Tinanong nya po ang mga tamang tanong na gustong marinig ng tao ang sagot.

“Ginawa nya po ang trabaho nya.

“Wala pong nakaka-offend duon at nirerespeto ko po sya.

“Pasensya na po kung nakagulo po ako sa kanya.”

Caption ni Elchico sa kanyang Twitter post: "Good morning! Last night I got a viber message from Bayan Muna Chair Neri Colmenares na ipinaparating ni @143redangel na hindi sya naoffend sa tanong ko sa @TVPatrol.

"Thanks for the message Angel. Salamat din Cong. Neri.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang inalmahan ng netizens ang anilay’ “bargas” na paraan ng pagtatanong ni Elchico sa primetime newscast ng ABS-CBN kaugnay sa insidenteng nangyari sa community pantry ni Angel noong Biyernes, April 23.

Nagsagawa ng charity event si Angel sa anyo ng community pantry, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-36 kaarawan, sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ngunit nauwi sa kontrobersiya ang event dahil namatay ang isang senior citizen matapos itong himatayin habang nakapila sa kanyang community pantry.

Kaagad na humingi ng tawad si Angel sa mga tao at sa pamilya ng naiwan ng balut vendor na si Rolando dela Cruz.

"SORRY PO ANGEL"

Humingi na rin ng dispensa si Elchico sa aktres matapos siyang ma-bash sa social media.

Para sa TV at radio personality, valid ang mga tanong nito kay Angel, ngunit aminado siyang hindi naging maganda ang dating nito dahil sa paraan niya ng pagtatanong.

Saad ni Elchico sa radio program nila ni Doris Bigornia na S.R.O. sa DZMM Teleradyo, pagkatapos ng airing ng TV Patrol noong Biyernes din, "Para sa akin, paninindigan ko naman po yung tanong ko. Para sa akin, partner, valid naman yung tanong ko, hindi ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maybe sa manner siguro na parang bargas, pero ganun din po talaga ako magsalita na parang palasak na parang pabagsak, e.

"Sorry po, ah. Sorry po, Angel, kung nakikinig ka. I didn't mean to offend or to hurt.

"E, kababayan ko iyan, e, pinsan ni Colmenares iyan, e, ni Neri. Saludo tayo.

"Angel, if you're offended, sorry ha kung na-offend ka.

"Sa mga fans po, sorry po kung na-offend kayo, but it was never my intention na i-offend po siya.

"I just asked it because I think valid po yung tanong, kasi nga with what happened, uulitin pa ba niya. Yun lang po ang ibig kong sabihin.

"And she answered it. Sabi niya, 'No, hindi ko na uulitin.'"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-philantropist Angel Locsin on TV Patrol anchor Alvin Elchico's line of questioning: "Tinanong nya po ang mga tamang tanong na gustong marinig ng tao ang sagot."
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results