PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV Patrol Alvin Elchico apologizes to Angel Locsin

"Sorry po Angel, kung nakikinig ka. I didn't mean to offend or to hurt."
by Nikko Tuazon
Published Apr 24, 2021
Alvin Elchico, Angel Locsin
TV Patrol news anchor Alvin Elchico apologizes to actress Angel Locsin on Friday night, April 23, 2021, for his manner of asking a question during the interview.
PHOTO/S: Screengrab from DZMM Teleradyo / TV Patrol

Humingi ng tawad ang news anchor na si Alvin Elchico matapos nitong umani ng batikos mula sa mga fans dahil sa "harsh" na pagtatanong nito kay Angel Locsin.

Nitong Biyernes ng gabi, April 23, 2021, nakapanayam ni Alvin si Angel sa TV Patrol tungkol sa kaguluhang naganap sa community pantry ng aktres sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City.

Isa sa mga tanong ni Alvin ay tungkol sa tulong na ipapaabot ng aktres sa pamilya ng balut vendor na si Rolando dela Cruz, na pumanaw sa ospital matapos nitong himatayin habang nakapila sa community pantry ng aktres.

Dagdag pa ni Alvin: "Kahit may nangyaring ganito, meron ka pa rin bang susunod na ioorganisang community pantry o nadala ka na?"

Sagot ni Angel, "Wala na po, hindi na po."

Sa pagtatapos ng interview, humingi ng tawad si Angel:

"Humihingi lang din po ako ng tawad sa lahat ng naabala. Hindi ko po talaga intensiyon, pansensiya na po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ko wala pong papel or silbi ang paghihingi ko ng tawad o pasensiya dahil sa mga nangyari, pero wala na po talaga akong masasabing iba kundi sorry lang po talaga."

NETIZENS REACT

Sa Twitter, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa paraan ng pagtatanong ni Alvin kay Angel.

Tweet ng isang netizen, "Hindi ko kinaya yung way of pagtatanong ni @alvinelchico . So wrong."

Twitter: Netizen disappointed over Alvin Elchico way of questioning Angel Locsin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito rin ang sentimiyento ng isa pang Twitter user.

"Grabe naman yung 'nadala ka na' parang kasalanan tlga ni angel, nag bigay lang sya, ang magulo ay yung mga Taong walang disiplina at hindi nah social distancing!"

Twitter: Netizen disappointed on Alvin Elchico

Sabi naman ng netizen na ito, "tone deaf" ang tanong ni Alvin kay Angel lalo't nakita na nitong emosyunal ang aktres.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sir @alvinelchico , I know you meant well. But the “Nadala ka na?” seems a bit tone deaf to someone who is already crying already."

Twitter: Netizen slams Alvin Elchico for being rude to Angel Locsin

ALVIN APOLOGIZES TO ANGEL

Agad namang humingi ng tawad si Alvin kay Angel nang makita nito ang mga reaksiyon ng netizens sa kanilang panayam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang TV Patrol, ikinuwento ni Alvin ang nangyari sa kanyang DZMM Teleradyo program na SRO kasama si Doris Bigornia.

Ipinahayag ni Alvin ang kanyang paghanga kay Angel dahil sa sense of accountability na ipinamalas nito.

Aniya, "Saludo tayo partner na umako kaagad, walang denial, e. Can you imagine it happened on her birthday na ang intention mo lang ay ang tumulong, di ba? So umamin naman."

Sa puntong ito, nagpaliwanag si ALvin kung bakit ganun ang naging dating ng pagtatanong niya kay Angel.

Bahagi ni Alvin, "Ang dami nagsabi, napaka-harsh ko naman daw magtanong. Ine-explain ko kanina, wala kasi ako ear piece. Nagre-rely ako sa sound system.

"Pero ganun din naman po talaga ako magtanong, partner, minsan. Nasanay kasi ako sa iyo na bargasan tayo magtanong, pero wala po tayong intenisyong manakit."

Dagdag nito, "At saka sumagot naman po siya, e."

Maging ang kasamahan sa trabaho ni Alvin na si Sherrie Ann Tores, isa sa mga news correspondents ng ABS-CBN, umayon sa komento ng netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi si Sherrie Ann, ayan kaibigan ko iyan. Si Sherrie Ann Torres, sabi niya medyo harsh nga. And I respect Sherrie Ann, and I believe Sherrie Ann.

"Ang ibig kong sabihin sa 'nadala' is parang may nangyari kasi so parang, 'Na-trauma ka ba?' Tama ba ang pakakahulugan ko o mali?"

Muling sambit ni Alvin, "At sinagot niya, sinagot niya. Ayaw na niya. Ayaw na po niya."

Para kay Alvin, valid tanong nito kay Angel ngunit aminado itong hindi naging maganda ang dating nito dahil sa paraan niya ng pagtatanong.

"Para sa akin, paninindigan ko naman po yung tanong ko. Para sa akin, partner, valid naman yung tanong ko, hindi ba?

"Maybe sa manner siguro na parang bargas, pero ganun din po talaga ako magsalita na parang palasak na parang pabagsak, e.

"Sorry po, ah. Sorry po Angel, kung nakikinig ka. I didn't mean to offend or to hurt."

"E, kababayan ko iyan, e, pinsan ni Colmenares iyan, e, ni Neri. Saludo tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Angel, if you're offended, sorry ha kung na-offend ka. Sa mga fans po, sorry po kung na-offend kayo, but it was never my intention na i-offend po siya.

"I just asked it because I think valid po yung tanong, kasi nga with what happened, uulitin pa ba niya. Yun lang po ang ibig kong sabihin.

"And she answered it, Sabi niya, 'No, hindi ko na uulitin.'"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV Patrol news anchor Alvin Elchico apologizes to actress Angel Locsin on Friday night, April 23, 2021, for his manner of asking a question during the interview.
PHOTO/S: Screengrab from DZMM Teleradyo / TV Patrol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results