Nabakunahan na ang aktres na si Coney Reyes, 67, kaninang umaga, April 17, 2021.
Ito ay ayon sa vaccination update na ipinost ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong hapon sa Twitter.
Si Coney, ina ni Vico, ay pasok sa kuwalipikasyon para mabakunahan dahil siya ay senior citizen at may comorbidity.
Ayon kay Vico, pang-6,138 si Coney sa mga senior citizen ng Pasig na nabakunahan na.
“This AM, my mom was the 6,318th Pasigueño senior to get vaccinated!”
Sa Facebook Live update ni Vico noong Lunes, April 12, 2021, naikuwento niyang hindi pa rin nababakunahan noon si Coney kahit na senior citizen ito at may comorbidities.
Saad niya, "Alam niyo naman, senior citizen si Mama. Sabihin ko na—hindi naman siguro siya magalit—sixty-seven years old. Nasa Google naman ‘yan kung i-search ninyo, e. Sixty-seven years old po ang nanay ko.
"May comorbidities din po siya. Hindi ko na po sasabihin kung anong comorbidities niya.
"Lumalabas pa siya kapag may trabaho. So, dapat din talagang mabakunahan."
Dagdag pa ni Vico, wala raw palakasan na nangyayari sa Pasig dahil gusto nilang masiguradong maayos ang magiging sistema sa pagbabakuna.
VACCINATION UPDATE IN PASIG
Nagbigay rin ng update si Vico sa vaccination program ng local government units (LGU) ng National Capital Region (NCR).
Ani Vico, magkakalapit lang ang porysento ng mga nabakunahan sa 17 LGUs ng NCR.
Sa ngayon din daw, ang lahat ng bakuna ay galing pa sa national government at wala pang dumarating na orders mula sa mga LGU.
Saad ni Vico, “Ni-review ko kaninang umaga ang datos ng NCR #vaccination. Minsan feeling natin may mas mabilis o mas mabagal... pero ang totoo magkakalapit lang ang porsyento ng nabakunahan na sa 17 LGUs ng NCR.
“Nakabase kasi sa populasyon ang binababa ng DOH [Department Of Health]. Wala pang LGU order na dumarating.”
Umabot na rin daw sa “over 24,000” residents ang nabakunahan sa Pasig, kabilang na ang mahigit kumulang na anim na libong senior citizens.
Dagdag ni Vico, “Thank you for your patience. We’re introducing updates to the Pasig Health Monitor so that we can confirm receipt of your updates in a more timely manner.
“But rest assured that as long as you've updated your Profile, you're on the list. Strictly ‘first-to-update-first-served’ for people of the same priority group. Pls wait for the text; don't walk-in.”
