PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili on unforgettable kilig moment with a guy

Katrina Halili says she does not miss anything about guys.
by Bernie V. Franco
Published Apr 9, 2021
“Wala talaga, Mars,” responds Katrina Halili when asked about her most unforgettable kilig moment with a guy.
PHOTO/S: YouTube (GMANetwork)

Sa seven years ng pagiging single ni Katrina Halili, 35, nakalimutan na raw niya ang pakiramdam ng kinikilig.

Binura na nga raw niya sa kanyang sistema ang mga lalaki, biro niya.

Nagbitaw ng mga ganitong pahayag si Katrina sa guest appearance niya sa episode ng Mars Pa More noong April 7.

Sa isang segment ng Kapuso daytime talk-show, kukumpletuhin ni Katrina ang mga bitin na sentence.

Ang paksa ay tungkol sa mga lalaki.

Naging prangka naman si Katrina sa pagsagot.

May ganitong tanong kay Katrina: “Ang mga lalaki kasi nakakabwisit din kung minsan. Pero para sa akin, kapag wala naman sila, nakaka-miss din ang…”

Mabilis na sagot ng Kapuso actress, “Medyo matagal na kasing wala akong boyfriend kaya wala na akong maalala.”

Sumundot ng tanong ang mga hosts na sina Iya Villaniya at LJ Reyes kung hindi ba nami-miss ni Katrina ang yakap at pag-aalaga ng lalaki.

“Ay, wala. Kuntento na ako sa yakap ni Katie,” pagtukoy ni Katrina sa 8-anyos na anak sa dating live-in partner na si Kris Lawrence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala talaga, Mars,” giit ni Katrina.

Nakipaghiwalay si Katrina kay Kris noong 2014. At mula noon ay hindi pa muling nagkaroon ng karelasyon ang aktres.

Nahirapan ding kumpletuhin ni Katrina ang isang sentence tungkol sa unforgettable kilig moment niya sa isang lalaki.

Sabi niya, “Ang hirap naman ng mga tanong niyo. Mga lalaki, wala talaga akong kilig sa kanila.

“Wala akong maalala. Burado na sila.”

Sa kakakulit ng mga host, nakaisip din si Katrina ng naranasan niyang kilig, pero sobrang tagal na raw ito.

Nagduda pa si Katrina kung nakakakilig daw ba ang ibabahagi niyang karanasan.

Pagbabahagi ni Katrina, “Parang may nakilala ako before, ‘tapos ano...”

“Kasi naaalala ko, e, may nakilala ako sa Boracay.

“’Tapos, simula nung nakita niya ko, ayaw na niya akong tantanan.

“’Tas sabi niya may nagtuturo daw sa kanya na ako na talaga. ‘Tas hanggang sa Manila nililigawan niya ako, gano’n.”

Hindi na nabanggit ni Katrina kung umusbong ang panliligaw na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT KATRINA WANTS IN HER NEXT PARTNER

Sa PEP.ph Exclusives interview kay Katrina noong September 2020, sinabi nitong bukas siya sa pag-ibig, pero wala pa raw dumarating.

Biro pa niyang pahayag: "Gusto ko nga sana maging choosy, wala naman ichu-choose!"

Diretsa rin si Katrina sa mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.

Ang sabi niya, hindi na pakikipaglaro ang gusto niya sa susunod na makakarelasyon.

“Ang hinahanap ko siyempre yung mapapangasawa ko na," sabi niya.

"Hindi ako para maghanap ng pabebebehan ko. Siyempre yung may pakinabang, di ba?

"Siyempre ako, yun naman hinahanap ko. Hindi lang yung kaemehan lang diyan!"

Gusto raw niya ng lalaking responsable at kayang mahalin ang kanyang anak.

"Yung magiging tatay sa anak ko. Mahal ako, mahal si Katie. Yung magpapamilya na talaga,” saad ni Katrina.

"Yun naman ang hinihintay ko. Hindi yung boyfriend-boyfriend na eme-eme lang diyan.

"Siyempre yung kaya akong buhayin. Alangan naman buhayin ko pa, di ba? Aba, sandali lang!" prangkang pahayag ng aktres.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Wala talaga, Mars,” responds Katrina Halili when asked about her most unforgettable kilig moment with a guy.
PHOTO/S: YouTube (GMANetwork)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results