Unti-unti nang bumuti ang lagay ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Ito ang masayang ibinalita ng panganay na anak ng dating Pangulo na si former senator Jinggoy Estrada sa kanyang Facebook ngayong Biyernes, April 9.
Ayon pa kay Jinggoy, dahan-dahan na rin daw tinatanggal ng mga doktor ang ventilator support para sa kanyang ama
Stable naman daw ang iba pang mga vital organs ng dating Presidente.
Hiling pa rin nila ang patuloy na dasal para sa tuluyang paggaling nito.
Narito ang buong pahayag ni ex-senator Jinggoy [published as is]:
“MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES. JOSEPH EJERCITO ESTRADA:
“We are happy to report that my father seems to be responding well to treatment as his condition has steadily improved.
“Doctors are now starting to slowly wean him off ventilator support.
“His other organ functions remain stable.
“Please continue to pray that he recovers completely from this devastating disease and that no new complications set back his progress.
“Thank you very much for your continued love, support and prayers.”
Isinugod ng pamilya Estrada ang dating pinakamataas na pinuno ng bansa sa ospital noong March 28 dahil sa pagpositibo nito sa COVID-19.
Noong nakaraang April 6 naman, isinailalim sa mechanical ventilation ang nakatatandang Estrada upang maayos itong makahinga habang nakaratay sa ospital.
Sa darating na April 19 ipagdiriwang ni Estrada ang kanyang ika-84 na kaarawan.
