Positibo sa COVID-19 ang dalawang haligi sa news and public affairs ng Radyo Singko at TV5 na sina Ted Failon at Cheryl Cosim.
Pareho namang asymptomatic ang dalawa.
Sa kanyang Twitter account kahapon, March 30, inanunsiyo ni DJ Chacha, kasamahan ni Ted sa programa nilang Ted Failon and DJ Chacha sa Radyo Singko, ang kalagayan ng co-anchor.
Sabi niya sa kanyang post (published as is): “Positibo sa Covid 19 si Sir Ted Failon. Asymptomatic po siya at maayos ang kalagayan.
"We would truly appreciate your prayers for Sir Ted Failon & to all our colleagues battling Covid to safely come through it. Stay safe everyone!”
Kalakip nito ang statement ni Ted tungkol sa tinamong karamdaman.
Ayon sa pahayag ng beteranong radio and TV anchor, nakatanggap daw siya ng tawag mula sa isang opisyal ng istasyon kung saan ipinaalam nito na ang ilang kasamahan niya sa radyo ay nag-positibo sa COVID-19.
Isa daw si Ted sa sinabing close contact ng isang katrabahong positibo sa virus.
Kaagad daw siyang nag-isolate at nagpa-test.
Gabi ng March 29, lumabas na daw ang resulta at positibo nga siya sa virus.
Kasalukyan daw siyang naka-home quarantine at naabisuhan na daw niya ang kanyang mga naging close contacts.
Ani Ted, “I am praying that I do not develop any symptom and if at all possible, I can continue working from home, via any communication means that is achievable, given the current state I am in.”
Nagpaalala din siya na mag-doble ingat dahil walang pinipili ang COVID-19.

“PRAYING FOR EVERYBODAY”
Asymptomatic din ang Frontline Pilipinas news anchor na si Cheryl.
Sa kanyang Facebook account, inanunsiyo niya kahapon din na nag-positibo siya sa COVID-19.
Gayunpaman, nagpapatuloy siya sa pagtatrabaho mula sa bahay.
Saad niya (published as is): “I tested positive for covid-19. It was yesterday morning when I was told.
"I am asymptomatic and I am praying it continues this way. I have informed all close contacts and on self isolation.
"Panginoon, kayo na po ang bahala sa amin. Praying for everybody (three praying hands emojis)
“Still, working from home #grateful #godisincontrol”
Ngayong araw, March 31, nagpasalamat si Cheryl sa lahat ng mga nagdasal at nagpadala ng mensahe sa kanya.
Aniya, “Maraming maraming Salamat po sa inyong mga mensahe! I’m overwhelmed! Dasal ko na malagpasan naming lahat na Covid-19 positive ang laban na ito.
“Pls continue to pray for us lalo na po sa mga seryoso ang kalagayan. Mag-ingat at protektahan n’yo ang inyong sarili.
“Our hospitals here in Metro Manila are full. Wala na po mapaglagyan ng mga pasyente.
“Wear your masks and face shields at all times, wash your hands and don’t forget to keep your distance from the people around you. Stay safe.”
