PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LOOK: Jelai Andres reveals alleged cheating of Jon Gutierrez

Jelai Andres and sister Candy reveal Jon Gutierrez's affair on social media.
by James Patrick Anarcon
Published Mar 28, 2021
jelai andres jon gutierrez couple
Jelai Andres tells herself amid husband Jon Gutierrez's alleged cheating: "Ano to ate Jelai? Pagdurusa porlayp? Puro malasakit, pagmamahal, pagpapatawad, pagtatanggol, pagtulong pagaalaga tapos kapalit pagdurusa, abused at pagttraydor."
PHOTO/S: @JELAIANDRESOFFICIAL / @EASYMONEYBADGER INSTAGRAM

Trending sa social media ang panibagong isyu sa pagitan ng mag-asawang Jelai Andres at Jon Gutierrez, halos dalawang taon simula nang maisapubliko ang kanilang hiwalayan.

Sina Jon at Jelai ay kilala bilang tambalang JoLai, na may 3.12M subscribers sa kanilang YouTube Channel.

Si Jelai, 29, ay may 2.6M followers sa Facebook at may 1.9M followers din si Jon sa sarili niyang account. Si Jon, 29, ay kilala rin bilang “King Badger” ng grupong Ex-Battalion.

Taong 2015 nang maging magkasintahan ang dalawa subalit noong 2016, nalaman daw ni Jelai na nagkaroon ng ibang babae si Jon.

Napatawad ni Jelai si Jon at noong October 2018, nagpakasal ang dalawa.

Subalit noong March 2019, sa pamamagitan ng Facebook Live ni Jelai ay inanunsiyo niya ang desisyong hiwalayan si Jon.

Noong October 2019, ilang buwan matapos ang kanilang hiwalayan, magkasamang nag-guest ang JoLai sa meet-and-greet event ng kasirkulo nilang YouTube vlogger na si Zeinab Harake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Jelai noon, friends daw sila ni Jon at siya rin mismo ang magbabalita kung may “comeback” ding mangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Taong 2020, tuluy-tuloy ang pagba-vlog ng dalawa na magkasama subalit hindi pa rin sila nakatira sa iisang bahay.

Bago matapos ang 2020, isinama sina Jelai at Jon sa cast ng currently-airing GMA Public Affairs romantic-comedy series na Owe My Love.

Noong February 2021, nagbigay ng birthday surprise si Jon para kay Jelai habang sila ay nasa lock-in taping ng programa.

At nitong March 23, 2021 lamang, nag-upload pa ang JoLai ng vlog na magkasama sila, kung saan naging personal assistant for a day ni Jelai si Jon sa set ng Owe My Love.

JoLai: Jelai Andres and Jon Gutierrez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang akala ng kanilang fans, tuluy-tuloy na ang "comeback" ng JoLai, o ang tawag ng kanilang fans sa pagbabalikan nila.

Subalit nangyari nga ang palitan ng maaanghang na salita kung saan ibinulgar ni Jelai at ng kapatid niyang si Candy Andres Monroe ang diumano'y pambababae ni Jon.

THE BREWING WAR

March 5, 2021 pa lang, may tweet na si Jelai na tila may patama sa isang babaeng “having sex w/ a guy who’s married or in a relationship.”

Sabi ni Jelai (published as is), “If you're having sex w/ a guy who's married or who's in a relationship, or trying to break a guy & his girl up regardless of how long you've known him,you're the scummiest most ignorant worthless bitch on planet earth and you're a hoe! Be careful girls coz you represent ur mom”

Ito ang makikitang naka-pin na tweet sa Twitter page ni Jelai.

Ang pinned tweet ay isang bago o lumang tweet na pwede mong i-pin or hayaang naka-post sa profile at hindi matatabunan kahit pa mag-post ng bagong status sa Twitter.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Twitter: Jelai Andres throws shade against cheating

Noong March 25, 2021, o dalawang araw pagkatapos ng huling vlog ng JoLai na magkasama, nag-post ng isang cryptic tweet si Jelai kasama ang kanyang litrato kung saan makikita siyang umiinom ng red wine.

Sabi ni Jelai sa kanyang tweet, “My silence is not my weakness but the beginning of my revenge! [devil emoji] char! Cheers!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“P.S mabait ako [laughing and devil emoji]”

Bukod sa dalawang beses siya gumamit ng devil emoji, naglagay rin ng hashtag si Jelai na #Tunein, na tila sinasabihan ang fans na mayroon silang dapat abangan sa mga susunod na araw.

Twitter: Jelai Andres throws shade on seeking revenge

JON VS. JELAI’S SISTER

Sabado ng gabi, March 27, naging usap-usapan ang Facebook post ng kapatid ni Jelai na si Candy. Naka-tag din si Jelai sa post na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang binanggit na pangalan si Candy sa kanyang post subalit pinatutungkulan niya ang isang malapit na kamag-anak na mayroon daw “babaeng pinakatago tago.”

Pero dahil naka-tag si Jelai sa post, maraming nakaintinding para kay Jon nga ang post ni Candy.

Sabi ni Candy (published as is), “Pag nag kasakit ka wag ka hihingi ng tulong sa family namin ha, mag patulong ka sa babae mo na pinagkatago tago mo kala mo naman hindi namin malalaman. Sorry ka. O baka iwanan ka na naman tapos samin ka bumalik. Ihahagis talaga kita palabas ng pinto may kasama pang double kick! Wag na wag moko matatawag na ate chichinelasin kita. Yuckkkkkkk!”

Facebook Post: Jelai sister Candy directly calls out Jon Gutierrez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ay sumagot naman si Jon at tila ayaw pag-usapan sa publiko ang problema nilang mag-asawa.

Pinaratangan din niyang “pasikat” ang kapatid ni Jon.

Ani Jon, “Pasikat lang? Yan dami mo nang likes at shares ‘ate.’ These things should be fixed privately at hinde pino-post sa social media. Pinopost para saan? And pagkakaalam ko si Jelai ang asawa ko at hinde ikaw.”

Facebook Comment: Jon and Candy heated comment exchange

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot din si Candy sa patustada ni Jon: “Asawa ba turing mo? E hndi mo nga mahal? Sinasabihan mo ng bobo sa hArapan ng tatay ko. Anong klaseng tAe ka”

Nag-iwan din ng comment si Candy para sa mga followers niyang nag-comment.

Sabi niya, “Ano ba kayo kelan nagbago ang BABAERO? Pag naging puti ang uwak malamang.”

Candy Andres calls Jon disrespectful and womanizer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito ay burado na ang comment ni Jon subalit maraming netizens ang nakapag-screenshot ng comment niya.

Naka-edit na rin ang post ni Candy at pinangalanan na si Jon sa status post.

Nang burahin niya ang comment ay nag-post din si Jon ng status sa kanyang Facebook account na halos kapareho ng sinabi niya kay Candy.

Maikling pahayag ni Jon, “Buong pamilya yata gusto na maging vlogger at influencer eh. Di lahat ng bagay pinopost sa social media po. Good night guys!”

Tila naka-block na si Candy sa pagkucomment sa post ni Jon kaya ginamit nito ang account ni Jelai para sagutin ang patutsada ni Jon.

Mas matindi ang mga binitawang salita ni Candy at ibinunyag nitong siya lang daw ang kumakausap kay Jon noong kasagsagan ng gusot sa relasyon nila ni Jelai.

Hindi rin daw nag-sorry si Jon sa mga mgaulang ni Jelai tungkol sa “pang loloko” nito sa internet star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Candy gamit ang account ni Jelai, “ATE TO NI JELAI - so dahil hindi ako maka comment sAyo eto lang masasabi ko. Bastos ka. Sa buong pamilya namin ako lang ang kumakausap sayo kahit noon pa. Kinakaawaan pa kita kaya NEVER Ka nakarinig ng kahit anong katiting sakin sa pang loloko mo sa kapatid ko. AT NEVER KA NAGSORRY SA PARENTS NAMIN. pero palagi kang pinapatawad ni jelai. Anong nagpapasikAt gusto maging vlogger? Ayy nako totoy Hidni ko kailangan sumikat ikaw nga nagpasikat sa pamilya namin sa kahihiyan na binigay mo. BASTOS KA!!!”

Facebook Post: Jon Gutierrez throws shade to Candy on being a clout chaser, Candy hits back

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JELAI’S TRUTH

Pagkatapos nito ay si Jelai naman ang sumagot sa post ni Jon.

Ayon sa Owe My Love actress, napagod na raw siyang hindi lumaban at siya pa nga raw ang binabash ng kanilang followers kahit na si Jon daw pala ang may ginagawang “kababuyan.”

Saad ni Jelai, “Oh ngayon alam mo na yung salitang "fixed" at "asawa". "Privately"??? Ahhh privately katulad ng kababuyan mo. Nakakapagod ng hndi lumaban eh ako pa binabash ng sobra sobra at inaaway at sumasalo sa mga gawaing ikaw gumagawa e”

Facebook Post: Jelai Andres confirms sister Candy accusations against husband Jon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay ng pagpu-post ni Candy ng status tungkol sa diumano’y panloloko ni Jon sa kapatid, si Jelai rin ay nagbukas ng saloobin sa kanyang Twitter account.

Sa unang pahayag ni Jelai, may ebidensya raw siya sa pagiging “sobrang babaero” ng asawa.

Sabi ni Jelai (published as is), “ANG LASINGERO PWEDE PA MAGBAGO PERO ANG SOBRANG BABAERO, LALAKING DI NATUTUTO AT WALANG AWA EH MALABO PA SA USOK NA BLUE.

“Don't underestimate the power of a private investigator. [money with wings emoji] Spell evidence!!!!”

Pagkatapos nito ay ipinost niya ang screenshot ng Facebook post ni Candy tungkol kay Jon.

Twitter Post: Jelai Andres calls Jon babaero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na nagkasunud-sunod ang pahayag ni Jelai tungkol sa pinagdadaanan nila ng kanyang asawa.

Dinepensahan ni Jelai ang sarili laban sa bashers niya na kumakampi kay Jon at tila ginagawan pa siya ng kuwento.

Sabi niya (published as is), “Hindi pwedeng ako lagi sasalo sa mga bintang at kasalanan na hindi ako ang gumagawa ah. Pagod nako ng hndi lumalaban! Tigilan nyo kakagawa ng story sakin at sa kaibigan kong matagal na, kilala yan ng mga mga Miloves ko.

“Bat sakin nyo hinahanap si king kups at ako pa ang iba bash nyo ng sobra. Bat di nyo itanong sa babae nyang selosa aawayin pako porket nag message ako e may itatanong lang naman ako sa asawa ko.”

Nang mabasa naman ni Jelai ang sagot ni Jon tungkol sa pag-aayos ng kanilang problema privately kaya pinatutsadahan din niya ang asawa.

Sabi lang ni Jelai, “Oh ngayon alam mo na yung salitang ‘fixed’ at ‘asawa’. ‘Privately’??? Ahhh privately katulad ng kababuyan mo. Awit”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Twitter thread: Jelai Andres exposing Jon Gutierrez

Sa sumunod na tweet ni Jelai, hindi siya nagbanggit ng pangalan subalit mukhang pinatutungkulan niya ang karelasyon ni Jon: “ateng ang bata mo pa baka mapagalitan ka ng mga magulang mo”

Tuluy-tuloy ang pagtu-tweet ni Jelai hanggang March 28 ng madaling araw.

Dito ibinunyag niyang matutuloy na sana ang kanilang “comeback” at pagbabalikan. At sa katunayan, magpu-post pa sana sila ng comeback reveal sa kanilang vlog pagkatapos ng lock-in taping ng Owe My Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya (published as is), “Ano to ate Jelai? Pagdurusa porlayp? Puro malasakit,pagmamahal pagpapatawad, pagtatanggol,pagtulong pagaalaga tapos kapalit pagdurusa, abused at pagttraydor. Comeback na nun bago matapos lock in taping e excited panamn ako sa CB reveal natin kaso wala kang awa sakin!P*kyu”

Twitter thread: Jelai Andres exposing husband Jon

Isa pang pagbubunyag ni Jelai, July pa lang daw pala karelasyon ni Jon ang “kabit.” Matutuloy na rin sana ang kanilang comeback subalit “naawa” raw si Jon dahil “nadepress si kabit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang mga kasama raw ni Jon sa bahay, na “kinikilig kilig” pa raw sa kanila, ay alam ang mga pangyayari.

Pagpapatuloy ni Jelai, “So now ko lang nalaman July papala!nuknukan ka ng tangaJelai!Masmahal mopa kesa sasarili mo un asawa mong maypa libreng condo,iphone etc sakabit. Kya pala un pkrmdm prng ako n un kabit e.Comeback na tyo ng lockin taping.Kso ndepress pla si kabit naawa siking kups.Sakin dka naawa?

“At lahat ng kasama mo sa bahay alam kasi lagi mo palang dinadala sainyo!Ambabait ko sainyong lahat. Kaya pala hndi ako kumportable pagksama ko kayo lahat kasi lahat kyotntraydor ako. Kinikilig kilig pa kayo samin kuno.Ako naman si tanga kinikilig din! Awit! Nakakapanliit sobra!”

Twitter thread: Jelai Andres exposing Jon alleged cheating

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang nauna nang sinabi ni Jelai ito sa post ni Jon sa Facebook kaya naman inulit ni Jelai ang pagku-comment at hinamon si Jon na huwag magbubura ng comments niya.

Gusto lang din daw ipagtanggol ni Jelai ang ginawang "pamamahiya" ni Jon kay Candy at sa pamilya niya.

Sabi ni Jelai, "Walang burahan ng comment. Nag post ka diba pinapahiya mo pamilya ko sa alam mo naman na hndi totoo yang snsabi mo bout samin . At sobrng nssktan sila s pinaggawa mo sakin kaya pinagttanggol lang ako dahil hindi ako marunong lumaban. Pero hindi na ngayon! Dahil ako pa nagiging masama. Sobra nae kailngan ko na din pagtanggol sarili ko. Walang burahan ng comment!

"Tutal nag post ka dba? Oh sige yan sasagot ako! Dahil pinahiya mo ate ko na pinagtanggol lang naman ako dahil nasasaktan lang naman sa pinagggwa mo sakin. At dahil hndi ako marunong lumaban. At dahil binabash ako ng mga tao sa ksalanang ikaw ang gumagawa. Dinamay mo pa pamilya ko at alam mong hndi totoo yan pinost mo! Sige mgsasalita ndin ako! Sinong Ate ang hndi masasaktan sa ginawa mo sakin"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Facebook Post: Jelai Andres defends sister Candy, calls out Jon for being duwag

NETIZENS' REACTIONS.

Hindi naman din napigilan ng followers ng JoLai love team na mag-react sa word war ng mag-asawa.

Bagamat marami sa kanilang fans ang nanghihinayang at nalulungkot sa naudlot na "comeback," marami ang humihiling na sana ay prank lamang ito para sa April Fools' Day.

FB comment: fans disappointed over JoLai feud

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FB comment: fans sad over JoLai feud

FB comment: fan wishes feud was a prank

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FB comment: fans side Jelai Andres

FB comment: fans side Jelai Andres

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huling tweet ni Jelai, in-address niya ang pahayag ng iba niyang followers na dapat daw ay i-settle nila ang kanilang problema sa pribadong paraan.

Hindi ito sinang-ayunan ng vlogger-comedienne dahil kailangan na raw niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Paliwanag niya, “Private dpat?Pag kyo nsa stwasyon ko dba kyo llaban?Dna pwde yon now!Bnbash nyoko todo e,kya need kona lumabn.Lgi nlng ako thimik?Kailngn nyo mlman totoo!Dba un gsto nyo?Mineet komga frnds ko dhl sbrang nssktan ako,needko sila.Tpos ako yung my kabit?Need kona pagtanggol srili koe”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jelai Andres tells herself amid husband Jon Gutierrez's alleged cheating: "Ano to ate Jelai? Pagdurusa porlayp? Puro malasakit, pagmamahal, pagpapatawad, pagtatanggol, pagtulong pagaalaga tapos kapalit pagdurusa, abused at pagttraydor."
PHOTO/S: @JELAIANDRESOFFICIAL / @EASYMONEYBADGER INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results