Tinapos na ni Jackie Rice at ng kanyang tinaguriang “Pandemic Boyfriend” ang kanilang relasyon.
Ayon sa ulat GMA News Online kagabi, March 24, single na muli ang 30-year-old actress matapos ang halos isang taong relasyon sa hindi pa rin niya pinangalanang nobyo.

Noong December 2020, inamin ni Jackie na sinagot niya ang isang manliligaw noong panahon ng pandemya kaya tinawag niya itong “pandemic boyfriend.”
Ito ang dahilan kaya hindi raw naging malamig ang Pasko ng StarStruck alumna, ayon ulat ng "Chika Minute" ng 24 Oras ilang araw bago ang December 25.
Sa pamamagitan din ng Instagram, isinapubliko ni Jackie ang kanilang relasyon ng kanyang “pandemic boyfriend” na may handle name na “unlirice0714” sa Instagram.

Pero hindi na mahagilap sa ngayon ang Instagram account ng lalaki.
Nitong mga nakalipas na linggo, burado na rin ang mga larawan nila sa account ng aktres.
Lalo pang umigting ang espekuslasyon ng mga netizen na naghiwalay na sila dahil sa Instagram post ni Jackie noong February 2021 na may caption na, “When you know your worth, you don't lose people. People lose you.”
View this post on Instagram
Isang follower ng aktres ang nagtanong: "Kelan pa kayo nagbreak nung jowa mo po? Nawala na din yun photo nyo together sa IG mo. Fan nyo pa nmn ako."
Tugon ni Jackie: “last year pa po”

Nagdadalahirang komento naman ng isang tagahanga: “maganda na rin yun para kay jackie. Di naman sila bagay noon. Nagiging driver tignan si tukmol kapag kasama sila."

Natatawang sagot ni Jackie, “no comment”

Tila may bago na ring manliligaw ngayon ang Ultimate Female Survivor sa third edition ng GMA reality artista search na StarStruck noong 2006.
Dalawang araw na ang nakalipas, nag-post si Jackie ng kanyang larawan na kitang-kita ang maraming bouquet of flowers.
Caption niya lang dito ay heart emoji.
View this post on Instagram
