PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson flexes girlfriend Julia Barretto grilling at his gym

Gerald gives a glimpse of his bonding time with girlfriend Julia.
by Rachelle Siazon
Published Mar 21, 2021
Gerald Anderson gives a glimpse of his bonding time with girlfriend Julia Barretto at his gym.
PHOTO/S: @juliabarretto / @andersongeraldjr Instagram

Pinasilip ni Gerald Anderson ang bonding nila ng girlfriend na si Julia Barretto noong Sabado ng gabi, March 20.

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Gerald ang video kunsaan nangunguna si Julia sa pagluluto ng kanilang dinner.

Nag-pan ang camera ng mobile phone ni Gerald mula sa Korean side dishes na nakahain sa mesa hanggang sa gawing kanan kunsaan abala si Julia sa paggi-grill ng samgyupsal o pork belly.

Maririnig sa background ang sa isa kanilang mga kasama na halatang excited kumain ng kanilang dinner.

Gerald Anderson IG Story: Julia Barretto grilling samgyupsal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuha ang video sa Third Floor, ang pag-aaring gym ni Gerald sa Quezon City.

Napansin pa ng mapanuring netizens na nakasuot si Julia ng Third Floor shirt na dating nakita na suot ni Gerald.

Ito ang ikatlong pagkakataong nagbahagi si Gerald sa social media ng bonding nila ni Julia.

Gerald Anderson IG Story: Julia wearing Gerald's Third Floor shirt

GERALD'S "WALANG KAGANA-GANA" POST ABOUT JULIA

Una nang nag-post si Gerald ng litrato ni Julia na kuha sa kanilang beach trip noong March 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simple ang caption ni Gerald na nagpapasalamat kay Julia dahil "#youareablessing."

Ika-24 kaarawan iyon ni Julia, at nabatikos si Gerald ng netizens dahil "walang kagana-gana" raw ang mensahe ng aktor para sa nobya.

IG comment: netizen calls out gerald over dry greeting to julia

Naikumpara pa ng netizens na "ang haba ng caption" ni Julia nang mag-post ang dalaga ng couple picture nila ni Gerald noong ika-32 kaarawan ng binata noong March 7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinawag ni Julia noon na "my love" si Gerald at inihayag na ipinagpapasalamat at ipinagmamalaki niya ito.

IG comment: netizens find gerald's birthday message to julia stiff and dry

JULIA AND GERALD UNFAZED BY BASHERS

Pero sa kabila ng inaani nilang batikos, hindi nagpatinag sina Gerald at Julia sa bashers.

Pareho sila ng pananaw na mas mahalaga sa kanila ang opinyon ng mga taong kilala sila kaysa sa mga mapanghusgang mga salita ng bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging bukas din si Julia na masaya siya sa piling ni Gerald.

Noon lamang March 17, Miyerkules, nagpasalamat si Julia dahil hinayaan siya ni Gerald na maging bahagi ng mundo nito.

Ni-repost ni Gerald ang mensaheng iyon ni Julia.

Unang umamin si Gerald tungkol sa relasyon nila ni Julia noong March 5, o dalawang araw bago ang kanyang 32nd birthday.

Sinundan ito ng kumpirmasyon ni Julia noong March 7.

Hindi binanggit ng magkasintahan kung kailan naging sila.

PAST CONTROVERSY

Noon pa lang July 23, 2020, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang impormasyon mula sa source ng Cabinet Files na umamin si Gerald na nanliligaw siya kay Julia.

Sinabi raw ito ni Gerald nang kausap nito sa telepono ang ama ni Julia na si Dennis Padilla.

Ayon pa rin sa source, nag-aalala noon si Dennis sa pagkakadawit ni Julia sa hiwalayan ni Gerald at ni Bea Alonzo.

Nilinaw raw noon ni Gerald kay Dennis na hiwalay na sila ng dating nobya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

August 2019 nang panindigan nina Gerald na walang kinalaman si Julia sa breakup nila ni Bea.

Sinundan ito ng paninindigan ni Julia na magkaibigan lang sila ni Gerald, na nakatrabaho niya sa pelikulang Between Maybes.

CLUES BEFORE JULIA AND GERALD'S CONFIRMATION

Lumipas ang panahon na patuloy nauugnay sina Julia at Gerald sa isa't isa, pero tikom ang bibig nila ukol sa isyu.

Hanggang sa noong 23rd birthday ni Julia noong March 2020, nagpahiwatig ang dalaga na nagdiwang siya ng kaarawan kasama ng pamilya at isang hindi pinangalanang "loved one."

Noong August 2020, diretsahang tinanong si Gerald sa isang presscon kung may relasyon sila ni Julia, pero iniwasan itong sagutin ng aktor.

Bandang September 2020 nang maging tampok ng usap-usapan sa social media ang umano'y pamamasyal ni Julia sa resort ni Gerald sa Zambales.

Namataan din ang magkasintahan nang mamasyal sila sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal noong November 2020, at sa Baguio kunsaan sinalubong nila ang Bagong Taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

January 3, 2021 nang i-post ni Julia ang litrato niya sa loob ng isang sasakyan kunsaan may kalong siyang aso sa passenger seat habang nagmamaneho ang isang lalaking hindi kita ang mukha sa litrato.

Nahinuhang si Gerald iyon matapos mapuna ng mapanuring netizens na ang balbong braso ng lalaki ay tulad ng kay Gerald.

Matapos ang ilang araw ay pahapyaw na umamin si Julia na siya ay "taken" at may karelasyon na lalaking "AFAM" at mas matanda sa kanya.

Noong February 2020, kumalat naman sa social media ang litrato ng isang babaeng hinihinala na si Julia na may kuha ng litrato sa resort ni Gerald sa Zambales.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson gives a glimpse of his bonding time with girlfriend Julia Barretto at his gym.
PHOTO/S: @juliabarretto / @andersongeraldjr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results