PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pasig City Mayor Vico Sotto tests negative for COVID-19

Mayor Vico Sotto: "Let's all do our part to prevent the spread of this virus."
by Arniel C. Serato
Published Mar 15, 2021
Mayor Vico Sotto announces on Facebook the he, others tested negative for COVID 19: "NEGATIVE ang result ng pcr test ko. Negative din yung nakasama namin sa sasakyan."
PHOTO/S: Courtesy: @vicosotto on Instagram

Negatibo ang resulta ng RT-PCR test kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ito ang inanunsiyo ng alkalde sa kanyang Facebook ngayong Lunes ng gabi, March 15.

Pagbabalita ni Mayor Vico, “NEGATIVE ang result ng pcr test ko.

“Negative din yung nakasama namin sa sasakyan."

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga nagdasal at nagpaabot sa kanya ng mga mensahe.

Hinihikayat din ni Mayor Vico ang lahat na sumunod sa standard health protocols upang hindi na tumaas pa ang mga kaso ng hawaan ng virus lalo na sa bagong variant nito.

Saad niya, "Thank you for your messages and prayers.

“Let's all do our part to prevent the spread of this virus and its variants.”

Kaninang umaga, ibinahagi ni Mayor Vico sa kanyang social media pages na na-expose siya sa kanyang driver na nagpositibo sa COVID-19.

Noong Miyerkules, March 10, daw ito isinugod sa ospital sa Pasig.

Pagkalipas ng dalawang araw, Biyernes, March 12, binawian ng buhay ang driver na malapit daw kay Mayor Vico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ng alkalde, “Nung nakaraang Biyernes ay nawalan tayo ng isang matalik na kaibigan dahil sa COVID-19, siya ‘yung driver ko kaya talagang close contact ako bagama’t sumusunod naman ako sa health protocols.

“Nakikiramay tayo sa pamilya ni Kuya Vener, sa mga kaibigan. Wednesday kami huling nagkita bago siya isinugod sa ospital.”

Kahit daw nasa isolation siya ay patuloy pa ring ginampanan ni Mayor Vico ang kanyang tungkulin bilang mayor.

Aniya, “Kasalukuyang ako ay naka-quarantine. Nag-COVID-19 test na ako kahapon bilang ako po ay isang close contact. Strictly susunod tayo sa protocols natin.

"Hindi muna ako makakapasok sa trabaho at kinacancel ko muna ang appointment o meeting. Kung maaari ay i-Zoom, Viber, text, and phone call muna ang pagtatrabaho.”

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Vico Sotto announces on Facebook the he, others tested negative for COVID 19: "NEGATIVE ang result ng pcr test ko. Negative din yung nakasama namin sa sasakyan."
PHOTO/S: Courtesy: @vicosotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results