PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pia Wurtzbach on "plastic" remark after greeting sister Sarah

Pia Wurtzbach responds to critic who called her "plastic."
by Bernie V. Franco
Published Mar 12, 2021
Pia Wurtzbach to critic who castigated her and brought up her past rift with sister Sarah: “Di ka ba marunong mag move on?"
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram

“Ako nga naka move on na ko e.”

Bahagi ito ng katuwiran ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos siyang akusahang “plastic” at kung anu-ano pang pang-aalipustang ibinato ng isang netizen.

Nagsimula ito nang mag-post si Pia sa Instagram ng birthday greeting para sa kanyang nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach.

Sabi ni Pia, mananatili niyang baby sister si Sarah kahit may sari-sarili na silang buhay.

Nangingibabaw rin daw ang pagmamahal ni Pia sa kapatid sa kabila ng mga pinagdaanan nila.

Mensahe niya: “Some people may misunderstand you but please remember – I got your back always and whenever you need me, I’m here for you."

Sumagot dito si Sarah at nagpasalamat sa kapatid.

Instagram post: Pia Wurtzbach birthday greeting to sister Sarah

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Instagram caption: Pia Wurtzbach birthday greeting to sister Sarah

Instagram comment: Sarah replies to Pia greeting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAST FEUD

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng hidwaan si Pia at ina nitong si Cheryl Alonzo Tyndall kay Sarah.

Inakusahan ni Sarah sina Pia at Cheryl ng kawalan umano ng suporta, kaya’t inilabas ni Sarah ang kanyang sama ng loob sa pamamagitan ng social media.

Mabibigat na paratang ang binitawan ni Sarah laban sa ina at kapatid.

Ito marahil ang pinanggalingan ng isang netizen na halatang apektado sa ginawa noon ni Sarah laban sa sariling ina at kapatid.

Kinuwestiyon ng netizen ang motibo ni Pia sa pagpuri sa isang taong gumawa raw ng masamang bagay sa kanya.

Pinagdudahan din ng netizen ang “authenticity and candor” ni Pia sa post niyang ito. Gayundin ang motibo ni Pia kung bakit niya ginawa ang post.

Pahayag ng netizen: “This is screaming kaplastikan if only to gain praise how ‘great’ you are as a sister.

“I have never pegged you as stupid P. So forgive me if I cannot take this whole charade.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malumanay itong sinagot ni Pia. Aniya, mabigat din ang pinagdaanan ni Sarah, na umaming nakaranas ng depresyon.

Pahayag ng former Miss Universe, “First of all stop hating on her. She went thru a lot and is still going through some things.”

Sabi pa ni Pia, nagkabati na silang magkapatid at taon-taon naman siyang nagpo-post ng pagbati para sa kaarawan ng kapatid.

“The people who are truly close to me know how much I care about Sarah.”

Mensahe niya sa netizen (published as is): “Now if you find that unbelievable thats on you. But thats how I feel.”

Ayaw rin daw ni Pia na kagalit ang kanyang pamilya. At lahat naman daw ay nagkakamali.

“No matter what happens shes still my only sister and my blood.”

Sumbat pa nito sa netizen, “Di ka ba marunong mag move on? Ako nga naka move on na ko e.”

Instagram comment: netizen accuses pia of being plastic, pia replies

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito, nagkaroon ng sagutan ang mga netizen.

Muling nag-post ng mensahe si Pia upang awatin ang kanyang followers. Nakiusap siya sa mga itong huwag nang mag-away.

Instagram comment: pia urges followers to stop the hate

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach to critic who castigated her and brought up her past rift with sister Sarah: “Di ka ba marunong mag move on?"
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results