Tawang-tawa si Nash Aguas, 22, sa balitang nabuntis daw niya ang kanyang girlfriend na si Mika dela Cruz, 22.
Kahapon ng umaga, March 8, napagkatuwaang i-post ni Nash sa Instagram ang larawan nila ng nobya na nakakandong sa kanya.
Nakasuot ng puting bestida si Mika kaya mukha raw itong bibinyagan.
Biro pa ni Nash sa caption: “Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz HAHAHAHAHAHHA SORRY NA LABYU HAHAHA”
View this post on Instagram
Kinagabihan, isang YouTube channel ang "nagkumpirma" na nabuntis daw ni Nash si Mika.
Ayon sa headline ng nasabing balita: “Confirmed! NASH Aguas, NABUNTIS na ang Girlfriend na si MIKA DELA CRUZ"

Kinuhaan ni Nash ng video ang report sa YouTube.
Habang pini-play ang diumano’y balitang pagkabuntis ni Mika, kinukuwento ni Nash ang istorya sa likod ng kanyang “binyag” post.
Lahad ng Kapamilya actor, “So kanina, nag-post po ako, itong pictute na ‘to, mukhang nakapambinyag si Mika.
“So, sabi ko sa caption, ‘Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si Mika dela Cruz.’
“Kasi mukha siyang bibinyagan, e. So, kaninang umaga ko yun ipinost, ha.
“Ayon sa YouTube, ‘Buntis na si Mika,'" sabay pakawala ng malutong na halakhak.
Habang pini-play ang video, napa-“Oh, my God” na lang si Nash sabay tawa.
Sabi pa niya, “What the f…?”
Nakalagay sa caption ng post ni Nash, “Sinend sakin ng tropa yung link HAHAHA MAGINGAT PO KAYO SA FAKE NEWS bye socmed na ulit HAHA”
View this post on Instagram
"KAILANGAN MAY DISCLAIMER MAHIRAP NA"
Sa comments section ng kanyang latest post, nagtanong kay Nash ang kaibigan at dating kasamahan sa defunct comedy show na Goin' Bulilit na si John Manalo.
Tanong ni John: "Buntis na si mika???"
Pero dagdag niya, "HAHAHAHAHAHAHHA SATIRE TO AH"
Sagot ni Nash: "@manalojohn HAHA kailangan may disclaimer mahirap na. HAHAHA"

Komento ng isang netizen, "Ang lala! Hahaha!"
Tugon ni Nash, "@owsthin auq n s ert"
Sagot sa kanya ng netizen, "@zackwey meron pang ‘statement’ from you, yung YT channel na yan. Hahahaha!"
Natatawang sagot ni Nash, "@owsthin hiling daw namin sana malusog yung baby. Kung merong malusog kaming dalawa lang yun sa lakas kumain HAHAHA"

Nagkomento naman dito si Mika.
Tawang-tawa ring sabi ng Kapuso actress, "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA MGA bbo (being bored online) meme replaying in my head [three face with tears of joy emoji]"

Dalawang taon na ang relasyon nina Nash at Mika bilang magkasintahan.
