PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP.ph on John Lloyd Cruz, social media, and fake news

John Lloyd's statement reminds PEP.ph to be extra careful about social media.
by Erwin Santiago
Published Mar 9, 2021
John Lloyd Cruz Facebook status
John Lloyd Cruz is a veteran of false stories about him and is aware that these can be damaging. He wrote to PEP.ph because he does not want Joshua Garcia or any other star going through the same thing on account of him.
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook

Sa paglipana ng fake news ngayon sa social media, napakalaki ng posibilidad na mailathala ang mga ito ng lehitimong news providers.

Sa dami rin ng fake social media accounts ng celebrities, napapaniwala ang maraming netizens at maging ang entertainment news websites na ang mga naka-post dito ay mula talaga sa mga artistang nakapangalan doon.

Kaya ganito pa rin dapat ang kalakalan kahit sa pandemya: Suriing mabuti ang balita at alamin mismo sa mga artista kung kanila nga ang social media accounts na pinagbabasehan ng mga ulat na nakakaabot sa netizens.

Ang paglapit ng aktor na si John Lloyd Cruz kamakailan sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), upang tulungan siyang iparating sa publiko na wala siyang Facebook o anupamang social media accounts, ay isang magandang halimbawa.

RELATED STORY


Ganito masasawata ang pekeng balita at maling impormasyon. Maglabas agad ng statement. Linawin kaagad ang balita. Linisin kaagad ang slate.

Alam ni John Lloyd na ang mga ganitong klase ng ulat ay maaaring makasira nang husto sa reputasyon ng mga artistang kagaya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangyari na ito sa kanya.

At ayaw niyang mangyari ito sa kanyang mga kasamahan sa industriya, kagaya ni Joshua Garcia na nadawit dahil sa istoryang pinikap ng ilang lehitimong news providers mula sa isang official Facebook fan page ni John Lloyd.

Ang PEP.ph, bilang isang entertainment news website na may malawak na audience—2.8M followers sa Facebook; 1.5M followers sa Twitter; at 347K followers sa Instagram—ay may responsibilidad na tiyaking lehitimo ang mga pinanggagalingan ng lahat ng mga istoryang lumalabas dito.

Sa kasamaang palad, aminado kaming panaka-naka ay nalulusutan din kami ng mga istoryang galing sa pekeng social media accounts.

Itong paglapit ni John Lloyd sa PEP.ph ay isang paalala na dapat maging maingat kami sa pagpapakalat ng mga impormasyon, sa lahat ng pagkakataon, upang maiwasan at hindi na maulit pa ang nangyari sa aktor at sa iba pang mga artistang naging biktima ng fake news.

Kaugnay nito, hinihikayat ng PEP.ph ang lahat ng artista na makipag-ugnayan sa amin kung sa palagay nila ay may dapat linawin sa mga artikulong lumalabas dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasamaang palad, may ilang artistang hindi tumutugon sa aming mga mensahe o di kaya'y hindi sinasagot ang aming mga tawag kapag sinusubukan naming kunan sila ng pahayag o ng kanilang panig tungkol sa isyung kinasasangkutan nila.

Naiintindihan namin kung minsan ay nais nilang manahimik at ayaw munang magsalita. Iginagalang namin ito.

Pero bilang isang entertainment news website, tungkulin naming maghatid ng mga balitang may kinalaman sa career at personal na buhay ng mga artista—magandang balita man o hindi, pabor man sa kanila o hindi.

Tinitiyak ng PEP.ph na bukas ang aming mga pahina sa panig ng lahat ng mga artista at celebrities—malaki man o maliit ang pangalan sa industriya.

Maaari kayong makipag-ugnayan sa aming official social media accounts: pep.ph on Facebook, @pepalerts on Twitter, and @pepalerts on Instagram.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz is a veteran of false stories about him and is aware that these can be damaging. He wrote to PEP.ph because he does not want Joshua Garcia or any other star going through the same thing on account of him.
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results