PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Princess Punzalan advises young stars on professionalism

Princess Punzalan advises young actors to remain professional on the set.
by Bernie V. Franco
Published Mar 5, 2021
Princess Punzalan: “’Wag nang chika-chika masyado ever, ‘no?! Oh my gosh, sayang ang oras. ’Wag nang masyadong maarte sa mga kung ano-anong mga ayos diyan. ’Wag na ‘wag nang magkwentuhan dahil hindi tayo binabayaran para magkuwentuhan.”
PHOTO/S: YouTube (GMA Artist Center )

May paalala si Princess Punzalan, 52, sa mga kabataang artista ngayon.

Iginiit ng batikang aktres ang kahalagahan ng pagiging professional pagdating sa trabaho.

Sa karanasan daw kasi niya, may mga napansin siyang young stars na iba ang inaatupag sa halip na trabaho habang nasa set.

PRINCESS’S UNSOLICITED ADVICE TO YOUNG STARS

Na-interview si Princess ni Paolo Contis via Zoom para sa Just In, isang GMA-7 online show, nitong March 3, Miyerkules.

Natanong si Princess tungkol sa kaibahan ng work ethics ng mga batang artista ngayon at noon base sa kanyang karanasan.

“Noon, ang taping for one episode, isang araw lang,” umpisa niya.

“So, talagang, pak! Pak! Pak! Pak! Dadating ka ng taping, kailangan alam mo na lahat.

“Hindi ka pwede yung babasahin mo pa lang sa set yung script na natanggap mo for the day.

“Hindi pwede kasi hindi ka pwedeng magtapon ng oras.”

Payo rin niya sa mga batang artista: “Pag nasa set, wag nang magtelepono, wag nang mag-text.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag nagri-reading na, wag nang gumamit ng telepono, ‘no?!

“Nasa trabaho ka para magtrabaho. Hindi para maki-chika at mag-social media, my gosh!”

Sundot pa ni Princess, “At saka pag sinabi ng assistant director, sinabi ng PA [production assistant], ‘Bihis na,’ bihis na!

“’Wag nang chika-chika masyado ever, ‘no?! Oh my gosh, sayang ang oras.

“’Wag nang masyadong maarte sa mga kung ano-anong mga ayos diyan.

“’Wag na ‘wag nang magkwentuhan dahil hindi tayo binabayaran para magkuwentuhan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Princess ay nakabase ngayon sa California, USA kasama ang kanyang pamilya.

Isa siyang registered nurse at professional actor doon.

Bagamat nasa Amerika, may mga pagkakataong napapabilang pa rin si Princess sa local teleseryes, lalo na kapag nakakauwi siya ng bansa para magbakasyon.

Kabilang sa mga pinakahuling kinabilangan niyang proyekto ay ang ang Kapamilya teleserye na The Promise of Forever (2017) at The Story of Us (2016).

Kasama naman siya sa Hollywood movie na Yellow Rose na ipinalabas via streaming noong February.

PRINCESS ON SOME CHILD STARS AFTER FAME

Natanong din si Princess kung papayagan ba niya ang kanyang anak na babae kung sakaling nais nitong mag-showbiz.

Sa kanyang sagot, naibahagi ni Princess ang kanyang karanasan tungkol sa mga child stars na naligaw ang landas dahil sa showbiz.

Ayon kay Princess, hindi niya pipigilan ang anak kung nais nitong mag-showbiz, pero nais niya itong sumailalim sa training.

Pero gusto rin niyang ma-enjoy ng anak ang pagkabata bago seryosohin ang pag-arte.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I don’t want her to be a celebrity at an early age because nahihirapan yung ibang mga bata na mag-adjust sa buhay ng celebrity.

“Kasi hindi ka naman sikat lagi, e. Parang ano ‘yan, e, parang season ‘yan, e.

“Parang sisikat ka, ‘tapos mawawala ang ningning.

“Pag nawala yung ningning, maraming child actors ang hindi nila kinakaya.

“So they resort to other stuff, like drugs or alcohol minsan.

“Basta nawawala yung kanilang anchor, yung kanilang footing sa buhay, and hindi nagiging maganda ang epekto.”

Kung siya raw ang masusunod, mas nais ni Princess na magretiro sa Pilipinas kaysa sa Amerika.

Mas mahirap daw kasi ang buhay sa Amerika na pinagsasabay ang pagiging nurse, pag-arte, at ang pag-aalaga sa pamilya.

“I would love to retire in the Philippines. Nami-miss ko yung Pilipinas, nami-miss ko yung pagkain, yung lifestyle.

“Mas relaxed ang buhay sa Pilipinas. Dito ang hirap.”

Nagdesisyon si Princess na iwan ang lahat sa Pilipinas nang pakasalan niya ang kanyang American partner noong 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Princess Punzalan: “’Wag nang chika-chika masyado ever, ‘no?! Oh my gosh, sayang ang oras. ’Wag nang masyadong maarte sa mga kung ano-anong mga ayos diyan. ’Wag na ‘wag nang magkwentuhan dahil hindi tayo binabayaran para magkuwentuhan.”
PHOTO/S: YouTube (GMA Artist Center )
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results