Mananatiling eksklusibong talent ng ABS-CBN ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
Ito ang nilinaw ng kanyang manager na si Vic del Rosario ngayong araw, March 1, kasunod ng teaser ad na lumabas sa Instagram account ng TV5 ukol sa bago nilang palabas na POPinoy.
View this post on Instagram
Ayon kay Boss Vic ng Viva Entertainment, nagkataon lamang na endorser si Sarah ng telecom company na major sponsor ng “biggest boyband” search ng Kapatid network.
Pahayag niya sa ABS-CBN News, “Sarah appears only as an endorser in the show and she is not the host.”
Kasama raw kasi ito sa nakasaad sa kontrata ng singer-actress sa nasabing telecom company.
Ang tanging istasyon daw ni Sarah ay ang ABS-CBN, at ang ASAP Natin ‘To naman ang kanyang show.
Napanood lamang si Sarah sa TV5 dahil ineere na rin sa network ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.
Saad pa ni Boss Vic, "She is still exclusive with ABS-CBN and the only time she appears on TV5 is when she comes out on ASAP Natin 'To.”
Sa ngayon, bihirang mapanood si Sarah sa ASAP Natin 'To dahil abala ito sa paghahanda sa online concert niyang Tala: The Film Concert, na gaganapin sa March 27.
Nakatakda ring maglalabas ng bagong album ngayong taon ang Kapamilya singer.
