PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda reacts on the "next Alden Richards" tag

Agree?
by Rose Garcia
Published Jan 17, 2021
Kasabay ng pagbansag kay Kelvin Miranda (L) bilang "next leading man" ng GMA-7 ay ang pagsasabi ng ilang fans na siya ang "next Alden Richards."
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda @aldenrichards02 on Instagram

Tuwa at kaba raw ang nararamdaman ni Kelvin Miranda sa tuwing tinatawag siyang "next Alden Richards."

Si Kelvin ang pinahulaan ng GMA-7 noong October 2020 bilang bagong "leading man" ng Kapuso network, bago inanunsiyo na siya ang magiging bida sa bagong serye na The Lost Recipe ng GMA News TV.

At kumusta ang impact na masabihang next Alden Richards?

“Dalawa po yung pakiramdam na ganon,” pahayag niya.

“Siyempre, una, nakakatuwa kasi, naihahalintulad ka sa isang kilala at magaling na actor, isang kilalang personalidad.

"Pero minsan, nakakakaba. Siyempre, iba ang expectation kapag sinabing Alden Richards.

“Iba yun. Ibang level.”

Sabi pa ni Kelvin, “Pero hindi naman ako sumusuko para tanawin o i-meet yung expectation ng mga tao o sumusuporta. Masaya naman po kasi kahit paano, napapansin nila ko sa ganoong paraan.”

Aminado siya marami pasiyang dapat mapagdaanan at matutunan.

Sa pagpapatuloy ng 22-year-old newbie, "Nakaka-pressure po kasi siyempre, ibang level na nga po si Alden. Si Kelvin, nagsisimula pa lang, huhukayin pa lang ang pundasyon. Nakakatuwa na naitatabi ka sa ganoong klaseng kalaking artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pagbibigay-diin pa niya, “Hindi biro, may pressure po talaga.”

Alam din ni Kelvin na noong pinapahulaan pa lang kung sino ang bagong "leading nan" ng GMA-7, may mga nagbanggit ng kanyang pangalan.

Pero marami rin ang humuhula at nagsasabing ibang actor. Meron pa ngang mga pangalan na galing sa ibang network. Kumusta ang mga natanggap niyang feedback?

"Halu-halo po," pag-amin niya.

"Iba-iba po yung perspective. Sinubukan kong magbasa ng mga comments. Isang araw nilaan ko na magbasa ng mga comments,” sabi niya.

"Nakakatuwa kasi may mga positive, pero hindi rin naman mawawalan ng mga negative.

"Pero natutuwa rin ako kasi, nailalabas nila ang nararamdaman nila kahit na sa negative na paraan.

“Noong nagbasa ko, hindi lahat positive, hindi lahat negative. Yung iba, parang okay, balanse lang. Pero may iba roon na nagtatalo sila. May mga binabanggit silang pangalan, personality.”

Sabi pa ni Kelvin, "Sinasanay ko yung sarili ko sa ganung pangyayari. Good or bad, salamat na lang po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung kakagatin, posibleng ang The Lost Recipe na ang simula ng loveteam nila ni Mikee Quintos.

Natatawang humingi pa ng permiso si Kelvin kay Mikee kung okay lang daw ba na sabihin niya kung ano ang una niyang impression dito.

“Yung unang pagkikita namin ni Mikee, hindi talaga naging ganun na maganda yung ano namin. Hindi maganda yung reaction. Hindi kami magkaintindihan.

"Una, hindi talaga kami magkakilala.

“Noong magkakilala na kami, do’n ko nakilala si Mikee na talaga palang mahal niya yung trabaho niya. Kung ano yung nakikita niyo sa TV, iba siya sa personal, e. Lovable talaga siya.”

Isang chef ang karakter na ginagampanan ni Kelvin bilang si Harry sa The Lost Recipe na magsisimula ng mapanood sa Lunes, January 18, 2021, sa GMA News TV.

Ang maganda lang, kahit sa totoong buhay, mahilig na raw siyang magluto at tulad sa serye, adobo rin ang paborito niya.

“Ako po kasi, kahit pakainin ako ng adobo araw-araw, okay lang sa akin. Kasi, sobrang paborito ko po siya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasabay ng pagbansag kay Kelvin Miranda (L) bilang "next leading man" ng GMA-7 ay ang pagsasabi ng ilang fans na siya ang "next Alden Richards."
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda @aldenrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results