Proud si Daniel Padilla na sabihing si Kathryn Bernardo ang "perfect woman" para sa kanya dahil kaya raw siya nitong hatakin sa tamang direksiyon kapag nawawala siya sa hulog.
Si Daniel ay 25 years old, habang si Kathryn ay 24 ang edad.
"For me she is perfect because, una, she makes me a better person," matamis ang ngiting sabi ni Daniel.
Kayang-kaya raw siya i-handle ni Kathryn bilang karelasyon.
"Pag nawawala ako sa rythm, binabalik niya ako nang binabalik. Masyado ako makulit na bata. Hahaha! Siya ang gumagabay sa akin."
Nilinaw naman ni Kathryn na hindi perpekto ang relasyon nila ni Daniel.
"Hindi ako perfect. Alam naman namin iyan. Pero yun ang nakaka-excite, di ba?
"Hanggang ngayon nandito kami because it's worth it. Napapasaya namin ang isa't isa. Nagtutulungan kami," saad ni Kathryn.
Sa Mayo ay siyam na taon na ang relasyon nina Daniel at Kathryn.
Bukod pa roon ay matagal na rin silang magka-love team sa ABS-CBN, kaya kilalang-kilala na raw nila ang isa't isa.
Sabi ni Daniel, "Sa almost 11 years na magkasama kami, tantiyado na namin isa't isa.
"Bawat galaw namin alam na namin. Konting ano lang ng mata nito alam ko na kung galit ito, alam ko na kung natatakot ito."
Sabay na nakapanayam sina Kathryn at Daniel sa virtual presscon para sa The House Arrest of Us noong Miyerkules, January 13.
MORE THAN JUST KILIG
Napag-usapan kung napapanatili pa rin nila ang kilig kahit matagal na silang couple.
Ipinaliwanag naman ni Daniel na mas binibigyan niya ng halaga kung paano alagaan si Kathryn.
"Siyempre iba yung kilig dati. Iba yung kilig pag bago ka. Yung ngayon, more on yung paano mo ba maipapakita yung pagmamahal mo sa isang tao?
"Na kahit matagal na kayo, hindi mo nakakalimutan yung maliliit na impormasyon na alam mong importante sa kanya.
"Ibabalik mo lang sa ganun, sa maliliit na bagay."
Consistency raw ang key sa isang relasyon.
Patuloy ni Daniel, "Hindi naman kami masyado materyosong tao. Yung mga malilit na bagay basta matandaan mo lang.
"Ano ba paborito niyang bulaklak? Ano ba paborito niyang tsokolate? Ano bang paborito niyang pagkain? Yun lang naman yun, e.
"Ang mahirap yung maliliit na bagay. Dapat maging consistent lang tayo lagi."
HOW THEY HANDLE MISUNDERSTANDINGS
Paano naman nila inaayos kapag may mga hindi sila pagkakasunduan?
Sagot ni Kathryn, "Pinag-uusapan talaga. Kasi hindi ako mapapakali pag di ko tinanong kahit gaano pa katagal yun, kahit gaano pa kaliit yun. Para hindi ako naba-bother.
"Kasi alam ko pag mag-isa ako, pag hindi kami magkasama, sasabihin ko, 'My god, dapat tinanong ko yun sa kanya.'
"So lahat ng mga tanong ko tinatanong ko sa kanya."
Mahalaga raw para kay Kathryn na hindi sila nagtatago ng sikreto sa isa't isa.
"Kasi kung di naman guilty you're gonna answer it, right? Sinasagot naman niya lahat ng tanong ko.
"And as long as nasasagot niya lahat ng tanong, may sense of relief sa iyo, especially sa girls kasi kung anu-ano parati iniisip mo.
"Siya, parating ise-secure ka niya, 'Ganito iyan...' 'A, okay.' So okay na. No secrets."
Diin pa ni Kathryn, "communication" at "listening" ay importante para maayos ang problema.
Sabi naman ni Daniel, importante ring may space ang isa't isa.
"Kapag masyado mainit, bigyan niyo oras isa't isa.
"Huwag niyo pilitin mag-usap kung masyado rin kayong pikon. Kasi wala nang usap pag ganun, e.
"Pakalmahin mo muna isa't isa."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
