Pinagkaguluhan ng netizens ang latest sexy photos ni Ahron Villena sa Instagram.
Ipinost ng aktor ang mga litrato niyang naka-boxer brief habang papalubog siya sa jacuzzi pool ng isang hotel sa Pampanga kahapon, December 27.
Nakalagay sa kanyang caption: “Weekend therapy. Enjoying the last few days of 2020. #chill #unwind #relax”
Maliban sa kanyang magandang pangangatawan ay nakaagaw ng atensiyon ng followers ni Ahron ang kapansin-pansing bulge o bukol niya sa harapan.
View this post on Instagram
THE REACTION
Kabilang sa mga nagkomento rito ang dating That’s My Bae member na si Miggy Tolentino.
Komento nito: “sarap mo naman po brother (fire emoji)”
Tugon ni Ahron sa kanya ay apat na face with tears of joy emojis.

Sabi naman ng isang kaibigan ni Ahron, "Ayan Na winner nanaman si friend. (thumbs up emoji)"
Tawa rin lang ang sagot ng aktor.

Hindi rin magkamayaw ang ibang followers ni Ahron sa kanilang komento, at sinagot ng aktor ang ilan sa mga ito:



Marami pang netizens ang tila hindi maka-get over sa post ni Ahron, pero hindi na niya ito sinagot.
NUDE PHOTO SCANDAL
Noong July 28, 2018, nagulat ang maraming followers ni Ahron sa Instagram dahil sa ibinahagi nitong larawan sa kanyang IG Stories.
Makikita kasing hubo't hubad ang aktor at kita rin ang pribadong parte ng kanyang katawan.

Ngunit matapos ang ilang minuto, binura kaagad ito ni Ahron.
Isang taon matapos nito, sinabi ni Ahron na katangahan ang pag-upload niya ng kanyang nude photo sa IG Stories.
Hindi raw niya ito sinasadya dahil ang nais lamang daw niya ay mag-upload ng Boomerang.
Ang Boomerang ay isang video feature sa Instagram kung saan may ilang segundong galaw na magiging pabalik-balik kapag in-upload.
Sabi pa niya noong July, 2018, “Hindi ako nagpakita, hindi naman sinasadya yun.
“O, masaya na kayo? Sabi ko nga, hindi ako proud sa sarili ko na ginawa ko yun.
“Ang dami namang nagsabi na, 'Okey lang iyan, may maipagmamalaki ka naman.'
"Pero hindi ko siya sinadya.
“Again, kung ano yung photo na yun, Boomerang kasi yun, may nakapag-grab na naabot pala.
"Katangahan ko, hindi ko pala... umabot pala sa nota ko yun."
Natatawa pa niyang reaction sa mga positibong reaksiyon ng netizens: “Kung pinagpiyestahan ninyo, e, di thank you. Hanggang tingin lang naman kayo.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
