Ipinagmalaki ng former beauty queen na si Maxine Medina ang natanggap niyang promise ring mula sa non-showbiz boyfriend niyang si Timmy Llana.
Si Timmy ay isang diving instructor kaya madalas silang nagdi-date sa beach.
Sa kanyang Instagram post kagabi, December 27, sinabi ng Miss Universe Philippines 2016 na hindi niya inakalang reregaluhan siya ng nobyo ng isang promise ring.
Ang buong akala raw niya ay isang regular Christmas gift lamang ang kanyang natanggap.
Saad ni Maxine, “I thought it was just a Christmas gift but this guy... haaaaay (three heart emojis).
“I didn’t honestly expect him to give his speech before he put the ring on me — ‘I promise to take care of you and will love you forever (YES NOT YET... but its a PROMISE RING! (grinning with big eyes emoji)
“I’m so much grateful and 100% speechless when he said those words I love to hear I love you! @timmyllana”
View this post on Instagram
Naghayag naman ng kanilang kaligayahan para kay Maxine ang mga kasamahan niya sa SundayKada ng TV5 na sina Ritz Azul at Sunshine Garcia.
Nagkomento rin sa post ni Maxine ang iba pang beauty queens at celebrities na sina Ruffa Gutierrez, MJ Lastimosa, Aya Abesamis, Thia Thomalla, at Chie Filomeno.


MAXINE, TIMMY CELEBRATE FIRST ANNIVERSARY IN JUNE
Isang taon na ang relasyon nina Maxine at Timmy.
Ipinagdiwang nila ang kanilang unang anibersaryo noong June 14, 2020.
Sa Instagram, inihayag ni Maxine ang kanyang pagmamahal sa nobyo.
Post pa niya, “Happy ANNIVERSARY! @timmyllana.
“Thanks for all the ways you love, support, and care for me. I love sharing my life with you I love you so much.”
View this post on Instagram
Bagot ito, piton taon ang itinagal ng relasyon ni Maxine at ng ex-boyfriend niyang model-actor na si Marx Topacio. Nag-break sila noong 2018.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
