Tinukso ni Neil Arce ang malapit na kaibigang si Paulo Avelino tungkol sa kontrobersiyal na eksena ng aktor sa latest movie nitong Fan Girl.
Ang Fan Girl ay kabilang sa 10 official entries sa 46th Metro Manila Film Festival (MMFF) at pinagbibidahan ito nina Paulo, 32, at Charlie Dizon, 24.
Ang coming-of-age movie na ito ay isinulat at idinirek ni Antonette Jadaone.
Sa unang araw ng MMFF nitong Biyernes, December 25, ay maghapong trending ang #FanGirlMMFF, Charlie Dizon, at Paulo Avelino.
Base sa mga komento sa mga nabanggit na trending topics, puring-puri ng netizens ang kuwento ng pelikula at ang mahusay na acting nina Paulo at Charlie.
PAULO’S “PRIVATE PART” TRENDS
Kapansin-pansin, gayunman, na karamihan ng tweets ay tungkol sa umano’y exposure ng private part ni Paulo sa pelikula.
Iyon ay sa isang eksena kung saan nakatagilid si Paulo habang umiihi sa gilid ng kalsada.
Base sa mga screengrab ng eksenang iyon na ikinomento sa Twitter threads, bahagyang nakita ang ibabaw na bahagi ng mistulang private part ni Paulo.
Ang umano’y private part na iyon ni Paulo ang maghapong naging paksa ng libu-libong tweets nitong Araw ng Pasko.
Iyon din ang naging sentro ng panunukso ni Neil sa kaibigang si Paulo sa Instagram Story ng film producer nitong Biyernes.
Ipinost ni Neil ang screengrab ng isang eksena sa pelikula, kung saan kilig na kilig ang karakter ni Charlie na si Jane habang nagpa-fan girling sa fictional version ng character ni Paulo sa pelikula.
Tagged ni Neil si Paulo sa kanyang caption (published as is): “Watching #fangirlmovie
"Can’t wait to see your [hatching chick emoji] @pauavelino [three rolling on the floor laughing emojis].”

NOT REAL, JUST PROSTHETICS?
Ngayong Sabado, December 26, sa kanyang Facebook fan page ay hinikayat ni Paulo ang 5.3 million followers niya na i-post ang kanilang selfie kasama siya.
Indirectly, may kinalaman ito sa screengrab ng controversial movie scene ni Paulo na kumakalat sa social media.
Sa post na iyon, ibinahagi ni Paulo ang picture niya sa isang eksena sa Fan Girl kung saan nagse-selfie sila ni Charlie.
Saad sa caption ni Paulo: “Selfie with me muna ang ipost nyo, huwag yung… [see-no-evil monkey emoji]”
Sa comments section, ilang followers ni Paulo ang nagsabing alam na nilang peke ang nakitang “private part” ng aktor sa pelikula.
Kalakip ng mga nabanggit na komento ang litrato ng prosthetics na ari ng lalaki at ang behind-the-scenes photos ni Paulo kung saan nilalagyan ng make-up ang katawan ng aktor.
Ang ilang netizens, credited ang nabanggit na mga litrato sa celebrity make-up and prosthetics artist na si Barbie Rothschild.
Hindi nag-react si Paulo sa nabanggit na mga komento ng kanyang Facebook followers.
Hindi tuloy nakumpirma kung prosthetics nga lang ba ang "private part" ng aktor na mas pinag-usapan sa social media kaysa mismong pelikula.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.