PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda celebrates “ibang-iba” Christmas Day: “Walang MMFF first day kaba and ngarag… kakamiss din.”

Vice Ganda has been a MMFF entrant—and the top grosser—since 2012.
Published Dec 26, 2020
Vice Ganda MMFF
Metro Manila Film Festival (MMFF) constant top grosser Vice Ganda fails to finish filming Praybeyt Benjamin 3, his supposed entry to the 46th MMFF screening committee this year.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram, Star Cinema

Nami-miss ni Vice Ganda ang may pelikula siyang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ang inamin ng 44-year-old comedian-TV host sa kanyang 13.8 million Twitter followers nitong Biyernes, December 25.

Gaya sa nakalipas na 46 na taon, araw ng Pasko nagsimulang ipalabas ang 10 pelikulang kalahok sa MMFF 2020.

Ang kaibahan lang, dahil sa pandemic, sa unang pagkakataon ay sa video-on-demand platform na UPSTREAM.ph, at hindi sa mga sinehan, mapapanood ang lahat ng MMFF entries.

Dahil sa mga limitasyong pisikal na dulot ng COVID-19 pandemic, hindi nakakapagod—na tulad ng dati—ang pagpo-promote ng MMFF movies, na idinadaan na lang sa social media.

Pero ang mga nakakapagod na “tours” na ito ay kabilang sa mga hinahanap-hanap ngayon ni Vice, na taun-taong topgrosser sa MMFF.

“WALANG MMFF FIRST DAY KABA AND NGARAG”

Sa tweet ni Vice bago mag-alas otso ng gabi ngayong Biyernes, inisa-isa niya ang mga “ngarag” na ginagawa niya noon kapag may pelikula siyang kalahok sa Christmas film festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang daw sa mga ginagawa ni Vice tuwing unang araw ng MMFF ay ang mag-monitor sa kinikita sa takilya ng kanyang lahok na pelikula.

Tweet ni Vice (published as is): “Walang MMFF first day kaba and ngarag.

“Walang cinema tours. Walang mall tours.

“Walang kaliwa’t kanan na texts and calls from VIVA and Star Cinema kung magkano na ang gross every after screening hours.”

Ayon sa It’s Showtime host, “ibang-iba” ang Christmas Day niya ngayong taon na wala siyang MMFF entry.

Dagdag pa niya: “Tahimik lang. Kalmado lang. ibang iba.

“Kakamiss din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A PERENNIAL MMFF ENTRANT

Simula 2012, halos taun-taong may lahok na pelikula sa MMFF si Vice.

Ang lahat ng pitong MMFF entries ni Vice sa nakalipas na mga taon ay pawang top grosser, o pinakamalaki ang kinita sa takilya.

Taong 2012 nang unang lumahok sa MMFF si Vice sa pamamagitan ng Sisterakas.

Sinundan ito ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy noong 2013; The Amazing Praybeyt Benjamin ng sumunod na taong 2014; at Beauty and the Bestie noong 2015.

Noong 2016 ay hindi nakapasok sa MMFF ang entry nila ni Coco Martin na The Super Parental Guardians, pero ito ang naging highest-grossing film noong taong iyon.

Taong 2017 na uli sumali sa MMFF si Vice sa pamamagitan ng Gandarrapiddo: The Revenger Squad.

Noong 2018, Fantastica ang MMFF entry ni Vice, habang The Mall the Merrier ang inilahok niya noong nakaraang taon ng 2019.

PRAYBEYT BENJAMIN 3

July ngayong taon nang ianunsiyo ng MMFF organizers ang unang apat na official entries sa MMFF 2020.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama sa apat na pelikulang ito ang Praybeyt Benjamin 3 ni Vice.

Sequel ito ng matagumpay na Praybeyt Benjamin movies ni Vice noong 2011 (The Unkabogable Praybeyt Benjamin) at 2014 (The Amazing Praybeyt Benjamin).

Gayunman, dahil sa pagpapatupad ng mga safety protocols ngayong may pandemya, naurong nang naurong ang shoting ng dapat sana’y MMFF entry ni Vice.

Sa huli, hindi umabot sa deadline ng submission ng pelikula ang Praybeyt Benjamin 3, kaya tuluyan na itong hindi napasama sa 10 official entries ng MMFF 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Metro Manila Film Festival (MMFF) constant top grosser Vice Ganda fails to finish filming Praybeyt Benjamin 3, his supposed entry to the 46th MMFF screening committee this year.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram, Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results