PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manny Pacquiao appeals for “pagmamahal at pagkalinga” for cops; calls for death penalty revival anew

Manny Pacquiao: “Huwag po nating husgahan ang ating buong PNP.”
by Jet Hitosis
Published Dec 23, 2020
Manny Pacquiao PNP
Senator Manny Pacquiao strongly condemns the killing of mother and son Sonya and Frank Anthony Gregorio by Parañaque cop Jonel Nuezca, then appeals to the public: "Huwag po nating husgahan ang ating buong PNP... naniniwala ako na mas marami pa ring matitinong pulis."
PHOTO/S: @mannypacquiao on Instagram, pnp.gov.ph

Dapat ipadama ng publiko sa mga pulis ang “pagmamahal at pagkalinga” upang “suklian nila ito ng mas tapat na paglilingkod sa ating bayan.”

Ito ang panawagan ni Senator Manny Pacquiao, 42, sa gitna ng matinding galit ng netizens sa pagpatay ng pulis-Parañaque na si Jonel Nuezca, 46, sa mag-inang Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25.

Linggo ng hapon, December 20, nang galit na sumugod si Nuezca, bitbit ang kanyang service firearm, sa bahay ng mga Gregorio sa Barangay Cabayaoasan sa Paniqui, Tarlac.

Sa sumbong ng anak niyang babae, sumugod si Nuezca sa bahay ng mga Gregorio dahil sa pagpapaputok ni Anthony ng “boga,” isang improvised na paputok.

Nakuhanan ng video ang kumprontasyon at ang aktuwal na pagpatay, at nag-viral ito noong Lunes ng umaga, December 21.

Nanggalaiti sa galit ang mga nakapanood ng video at tinuligsa ang institusyong kinabibilangan ni Nuezca—ang Philippine National Police (PNP).

PACQUIAO CALLS FOR DEATH PENALTY REVIVAL ANEW

Nitong Martes, December 22, mariing kinondena ni Senator Pacquiao ang “walang bahid ng anumang pagdadalawang-isip” na pamamaslang ni Nuezca sa mag-inang Gregorio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, umapela ng suporta si Pacquiao sa pagbabalik ng death penalty sa bansa “upang magiging mabilis at magiging epektibo ang ating pagbibigay ng hustisya sa ating mga kababayang biktima ng mga heinous crimes.”

Ang relihiyosong athlete-politician ay isang death-penalty advocate.

Dalawa sa 10 death penalty revival bills na nakabimbin sa Senate Committee on Justice and Human Rights ay inihain ni Pacquiao.

“PAGMAMAHAL AT PAGKALINGA” FOR COPS

Sa parehong statement ni Pacquiao nitong Martes, nanawagan siya sa publiko na huwag husgahan ang buong PNP sa krimeng ginawa ni Nuezca.

“Gayunpaman, nanawagan ako sa ating mga kababayan: Huwag po nating husgahan ang ating buong PNP dahil sa ginawa ni Nuezca.

“Naniniwala ako na mas marami pa ring matitinong pulis at itong si Nuezca ay isa lamang sa mangilan-ilang bulok sa kanilang organisasyon,” sabi ni Pacquiao.

Ang kailangan daw ng mga pulis sa ngayon, ayon sa senador, ay ang tiwala at pagmamahal ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Pacquiao, “Sa halip na kamuhian ang ating mga pulis ay tulungan po natin sila upang maramdaman nila ang pagmamahal at pagkalinga ng mga mamamayang kanilang pinagsisilbiha.

“Ipakita natin ang ating tiwala nang sa ganun ay suklian nila ito ng mas tapat na paglilingkod sa ating bayan.”

JENNYLYN REACTS

Samantala, napa-react ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, 33, sa apelang ito ni Pacquiao.

Napa-tweet si Jennylyn ng “Ha?” sa report ng ABS-CBN tungkol sa pahayag na ito ni Pacquiao.

Kalaunan, binura rin ni Jennylyn ang nabanggit na tweet niya.

Sa halip, ni-retweet niya ang naunang post ng kapwa aktres na si Angel Locsin tungkol sa “Good cops should condemn bad cops.”

Buong tweet ni Jennylyn: “Good cops should condemn bad cops.

“…and... do something to ensure that bad cops are removed from the organization. #FixTheSystem #ItamaAngMaliSaSystema.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod kina Angel at Jennylyn, kinondena ng iba pang celebrities ang pagpatay ni Nuezca sa mag-inang Gregorio.

Kabilang sa mga celebrities na ito sina Maine Mendoza, Vice Ganda, Bianca Gonzalez, at maraming iba pa.

Matinding galit din ang naging reaksiyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Revilla sa viral video ng malapitang pagbaril at pagpatay ni Nuezca kina Sonya at Anthony.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao strongly condemns the killing of mother and son Sonya and Frank Anthony Gregorio by Parañaque cop Jonel Nuezca, then appeals to the public: "Huwag po nating husgahan ang ating buong PNP... naniniwala ako na mas marami pa ring matitinong pulis."
PHOTO/S: @mannypacquiao on Instagram, pnp.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results