May ipinalit na ba si Jimuel Pacquaio kay Heaven Peralejo sa kanyang puso?
Pinag-uusapan ngayon ng netizens ang Twitter post ni Jimuel kung saan makikita ang mga larawan niya kasama ang baguhang si Arabella del Rosario.
Makikita sa mga litrato na sweet na sweet sina Jimuel at Arabella, na kapwa Star Magic talent ni Heaven.
Sabi ni Jimuel sa isang tweet: “Hi @arabelladelro.” Kalakip nito ang dalawang larawan ng dalaga na tila nasa loob ng isang restaurant.
Nag-tweet din si Arabella ng kaparehong larawan kung saan sinagot niya ang mensahe ni Jimuel ng “hi cutie.”
Ni-retweet naman ni Jimuel ang tweet ni Arabella. Kalakip naman nito ang dalawang larawan kung saan magka-holding hands sila sa loob ng sasakyan ni Jimuel.
Ang isa pang larawan ay nagpapahiwatig na akmang hahalikan ni Jimuel si Arabella sa kamay.
Marami naman ang natuwang netizens sa mga post nina Jimuel at Arabella.
JIMEUL’S BREAKUP WITH HEAVEN
March 2019 nang umamin sina Heaven at Jimuel na magkarelasyon sila.
Sa kanilang pag-amin, sinabi nilang malaking bahagi ng pagkakamabutihan nila ang pagiging Born Again Christian nila.
Pahayag ni Jimuel, “Actually, church po yung first naming labas-labas.
"Kasi parang yun ang bonding namin every week. Nagtsi-church kami every week.
"'Tapos after nun, dinner. 'Tapos hatid sa bahay."
Parehong 19 years old noon ang dalawa.
Pero makalipas ang halos apat na buwan, napabalita ang kanilang paghihiwalay.
Hindi nila inamin ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.
May mga intrigang pinagdaanan ang dalawa sa kanilang relasyon, kabilang na rito ang usapin tungkol diumano sa pera.
Mainit na pinag-usapan noon ang paggamit diumano ni Heaven ng credit card ni Jimuel upang ipang-grocery ang kanyang pamilya.
Mariin itong pinabulaanan ng dalawa.
Nitong nakaraang Setyembre, naintriga rin si Heaven na lumapit diumano ito kay Senator Manny Pacquiao, ama ni Jimuel, sa kalagitnaan ng pandemya at humingi daw ng P100,000 na ayuda.
Wala rin daw itong katotohanan, ayon kay Heaven.
Dinepensahan naman si Heaven ni Jimuel at ina nitong si Jinkee Pacquaio laban sa mga nagpapakalat ng maling balita.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
