PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zanjoe Marudo denies romantic involvement with Angelica Panganiban: “Mabuti po talaga kaming magkaibigan.”

Zanjoe Marudo on Angelica Panganiban: "Wala pong katotohanan yun”
by Arniel C. Serato
Published Dec 21, 2020
Zanjoe Marudo Angelica Panganiban issue
Zanjoe Marudo breaks silence on rumored relationship with Angelica Panganiban: “Wala pong katotohanan yun. Mabuti po talaga kaming magkaibigan nung tao.”
PHOTO/S: Courtesy: @onlyzanjoemrudo / @iamangelicap on Instagram

Itinanggi ni Zanjoe Marudo, 38, na may namamagitan sa kanila ni Angelica Panganiban, 34.

Sa Hyubs and Zanjoe Talkshow vlog sa YouTube channel ni Zanjoe, pinag-usapan nila ng kaibigan niyang si Hyubs Azarcon ang tungkol sa napababalitang ugnayan ng aktor at ni Angelica.

Ayon kay Hyubs, nang bumili siya sa tindahan malapit sa bahay ni Zanjoe, may nagtanong sa kanya kung may katotohanan ba ang balita tungkol kina Zanjoe at Angelica.

Sabi ni Zanjoe kay Hyubs, alam naman daw nito ang totoo kaya dapat ay sinagot na niya ang mga nagtatanong.

Lahad ni Zanjoe, “Bakit ba ganun, 'tol? Nagulat din ako sa isyu na 'yan, e, sa YouTube, ‘no.

“Puwede ba yun? Puwede bang gawin yun? Di ka ba madedemanda sa ganun?

“Nag-iimbento ka ng kung mga anu-anong palabas.”

Tugon ni Hyubs, ang social media kasi ang bagong diyaryo ngayon ng mga tao.

Kasunod nito, tinuldukan na rin ni Zanjoe ang pagkaka-link niya kay Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Para sa mga umaasa at mga naniniwala, lilinawin ko na po.

“Wala pong katotohanan yun. Mabuti po talaga kaming magkaibigan nung tao.”

Tinawanan naman ni Zanjoe ang isa pang tsismis na diumano ay may nabuntis siya.

THE ISSUE

Noong Nobyembre 2020 ay sinakyan nina Zanjoe at Angelica ang pagli-link sa kanila ng netizens.

Diumano, nagkadebelopan sina Zanjoe at Angelica sa set ng teleseryeng ginagawa nila para sa ABS-CBN, ang Walang Hanggang Paalam.

Idinaan na lamang nila sa biro ang mga lumalabas na balita.

Nag-post pa nga si Angelica ng kuha niyang larawan kay Zanjoe na sakay sa kanyang kotse, naka-red cap, at face mask.

Caption niya, “Sinalubong ako ng rumored boyfriend ko [laughing with tears emoji]”

May pasaring ding Instagram post si Zanjoe sa mga gumagawa ng tsismis tungkol sa kanila ni Angelica noong November 18.

Sa post, makikitang magkatapat ang mga sasakyan nila ni Angelica habang pareho silang nakasakay sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makahulugang caption ni Zanjoe: “Pa like naman, para may heart sa gitna #rumoredboyfriend”

Ayon sa isang ulat ng PEP.ph, isang non-showbiz guy ang nagpapasaya ngayon sa puso ni Angelica.

Habang si Zanjoe ay kumpirmadong hiwalay na sa Filipino-Australia model-surfer na si Josie Prendergast.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo breaks silence on rumored relationship with Angelica Panganiban: “Wala pong katotohanan yun. Mabuti po talaga kaming magkaibigan nung tao.”
PHOTO/S: Courtesy: @onlyzanjoemrudo / @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results