Aminado si Vivian Velez na maraming guilds sa ilalim ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang hindi pabor sa pagkakatalaga noon sa kanya bilang director general ng ahensiya.
Hindi rin daw naging madali ang pagsisimula niya sa kanyang posisyon noong November 2019 dahil literal daw na nangapa siya.
Pinalitan ni Vivian si Leo Martinez, na pinamunuan ang FAP sa loob ng halos labimpitong taon.
Saad niya, “Mas maganda sana kung pumapasok ka sa isang opisina and you just continue on.
"Nung nag-turnover, ganito lang [mga isang dangkal na papel] ang naibigay sa akin.
“I mean, for the last seventeen years, ito lang ang ibibigay mo sa akin?
“I mean, talagang nangangapa ako. I have to say that.
"'Tapos, aside from nangangapa ako, lahat ng mga guilds, ayaw sa akin, inaaway ako.
“I don’t know why. Kasi siguro, for seventeen years, sila ang magkakasama.”
Ang mga grupo o guilds sa ilalim ng FAP ay ang Philippine Motion Picture Producers Association (PMPPA), Movie Producers and Distributors Association of the Philippines (MPDAP), Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT), at Screenwriters Guild of the Philippines (SGP).
Kasama rin ang Film Editors Guild for Motion Pictures (STAMP), United Film Musical Directors of the Philippines (UFIMDAP), Production Designer Guild of the Philippines (PDGP), Assistant Directors and Production Managers' Guild of the Philippines (AD/PM), at Movie Workers Welfare Foundation Inc. (MOWELFUND).
Nalaman din daw niya ang tungkol sa "501 Club" na grupo ng mga nasa FAP.
Ayon kay Vivian, “Meron pa nga silang tinatawag na 501 Club. Sabi ko, ‘Ano yung 501 Club?’”
Tugon daw sa kanya nung napagtanungan niya: “After 5 o’clock, inuman na.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press si Vivian sa pamamagitan ng isang Zoom conference para sa Luna Awards noong nakaraang linggo.
Gaganapin ang virtual awarding ceremony bukas, December 18, ng 7:00 p.m. Mapapanood ito sa UNTV Channel 37 at sa Facebook page ng Film Academy of the Philippines.
REACHING OUT TO DIFFERENT GUILDS
Pero ngayon, ayon kay Vivian, unti-unti na raw niyang naaayos ang samahan sa mga pinuno ng guilds na kabilang sa FAP.
“I tried to reach out kasi nung pag-upong pag-upo ko, you know, gusto ko talaga silang makausap one by one. Talagang one on one.
“And some of them, talaga naman, okay naman, hindi naman lahat.
“Yung mga iba, for two hours, for three hours, explaining what I want to do with FAP, my vision, and ano yung dapat nilang gawin din, what are their responsibility to the Film Academy.
"Kasi dapat ganun yun, e."
Dagdag pa niya, “Kasi marami akong naririnig nung pumasok ako, and even former director general Leo Martinez telling me or advising me or warning me.
“He said, ‘Vivs, ang mga board of governors or ang mga guilds, sila meron pakialam sa FAP, sa management ng FAP, pero ikaw wala kang pakialam sa kanila.’
“Sabi ko, ‘Paano yun? Paano yung sila ang may pakialam sa akin, ako walang pakialam sa kanila?’
“You know, that was the first thing that they said to me. So, I had to ask advises again on how it is, di ba?
“So, ang nasabi naman sa akin sa legal is ang director general is the highest, kaya nga siya director general, you cannot be na yung nasa ilalim niya ang magdedesisyon para sa management.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
