PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janella Salvador fans call out Russell Reyes for recommending erotic song to Markus Paterson

Russell Reyes recommends "Ang Ganda Mo" to Markus Paterson.
by Bernie V. Franco
Published Dec 17, 2020
Russell Reyes erotic song Markus Paterson
Supporters of Janella Salvador (center) call out Russell Reyes (left) for suggesting a very erotic, explicit song to Markus Paterson (right) who asked for a cuddle weather song.
PHOTO/S: @russellreyesmusic, @superjanella, @markus on Instagram

Umani ng batikos ang singer na si Russell Reyes dahil sa pagmumungkahi ng malaswang kanta kay Markus Paterson.

Lumalabas na ang mga sumita kay Russell ay mga tagasuporta ni Janella Salvador, ang partner ni Markus.

Wala mang direktang kumpirmasyon, balitang may anak na sina Markus at Janella.

Nag-ugat ang isyu nang mag-post sa Instagram si Markus this week.

Ibinahagi ng 22-anyos na Filipino-British singer-actor ang larawan ng magulong higaan na binubuo ng mga puting unan at kumot.

Sa maiksing caption ni Markus, iminumungkahi niyang masarap manatili sa kuwarto dahil sa cuddle weather.

Caption ni Markus: “cuddle weather music suggestions?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga kaibigang celebrities si Markus na sumagot.

RUSSELL SUGGESTS VULGAR SONG TO MARKUS

Isa sa mga nag-suggest ng kanta ay si Russell.

Iminungkahi nito ang “Ang Ganda Mo” ng local singer na si Cue C.

Bulgar at pang-adult ang lyrics ng kanta na ang mensahe ay tungkol sa pagtatalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Russell ay produkto ng ABS-CBN reality-based singing contest na Pinoy Boyband Superstar noong 2016.

Siya at ang apat pang nanalo sa contest ang bumubuo sa all-male group na Boyband PH.

Sumali rin sa talent search contest si Markus, pero hindi siya pinalad manalo.

Marahil sa programang ito nabuo ang pagkakaibigan nina Russell at Markus.

JANELLA FANS REACT

Balik sa komento ni Russell, may mga netizens na sumita sa kanya. Tinawag siyang "bastos" at "malisyoso."

Nagsumbong pa ang mga ito kay ABS-CBN Entertainment Production Head Laurenti Dyogi, na naka-tag sa comments.

Ang business unit ni Direk Lauren ang namahala sa Pinoy Boyband Superstar at nag-manage sa Boyband PH.

Base rin sa handle names ng mga sumita kay Russell, mga supporters ito ni Janella. Pakiramdam nila ay nababastos ang idolo nila sa komento ni Russell.

Hinala ng Janella supporters ay may mga nagko-coach kina Markus at Russell na magkomento ng agaw-eksena para pag-usapan sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At sa huli raw ay publicity para magkaroon daw ng proyekto si Markus.

Komento ng isa: “Si Markus, everytime na may post na nagsa-subject kay Janella sa bashing/issues, nagkakaroon ng project or ganap.”

Nangatwiran si Russell tungkol sa ginawang biro sa kaibigang si Markus.

Sagot niya: “totoo nga po, may coach na talaga ako sa pagiging bastos!! Ang husay po talaga ni Coach @markus !!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit ni Russell sa Janella supporters, ang i-message daw nila ay si Markus.

Ani Russell: “Parang gusto mo rin maging bastos sa ibang tao dito sa comments…

“Mag DM ka na lang kay coach para may sense naman mga sinasabi mo, sana magiging masaya po kayo sa buhay nyo!!!!”

Sumagot ang netizen. Sabi nito, hindi siya magiging masaya kapag binabastos ang mahal nito, na tila ang tinutukoy ay ang idolong si Janella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Banat pa ng netizen, marahil ay sinasadya talagang gumawa ng ingay nina Markus at Russell, at nadadamay pa si Janella.

Pero sa bandang huli ay nabibigyan daw ng project si Markus.

Muling itinag ng netizen si Direk Lauren at nakiusap na “linisin ang system.”

May sumang-ayon sa Janella supporter na sinabing dahil dito ay nadadawit sa isyu ang actress-singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling sumagot si Russell na tila kinukutya ang netizens na Janella fans.

Sagot ng singer: “naku bastos ba talaga post nya?? Selos lang kayo dahil wala kayong ka-cuddle [laughing with tears emojis]”

Samantala, may ibang netizens namang natawa lang sa pagpatol ni Russell sa netizens.

Sabi pa ng isa, dapat daw ay si Markus ang tanungin nila dahil sa ginawa nitong Instagram post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May iba ring netizens, kabilang na rito sina JC Alcantara at Maris Racal, na nag-suggest ng iba’t ibang kanta.

Kahit ang song suggestion ni Maris na "Di Ko Na Mapipigilan" ng Sexbomb Dancers ay minasama ng isang Janella supporter.

Kahit walang bastos na lyrics ang kanta ay malisyoso raw ang title ng kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ibang song suggestions ng ilang netizens ay suggestive din.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Supporters of Janella Salvador (center) call out Russell Reyes (left) for suggesting a very erotic, explicit song to Markus Paterson (right) who asked for a cuddle weather song.
PHOTO/S: @russellreyesmusic, @superjanella, @markus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results