Muling iginiit ng kasalukuyang director general ng Film Academy of the Philippines (FAP) na si Vivian Velez na hindi entitled si Leo Martinez sa kanyang hinahabol na retirement pay mula sa ahensiya.
Nagkakahalaga umano ito ng P500,000.00.
Nauna nang lumabas na hinarang umano ni Vivian ang second tranche ng retirement pay ni Leo noong September 2020.
Si Leo ay nanilbihang director general sa FAP ng halos labing anim na taon. Huling araw niya sa ahensiya noong October 31, 2019.
Si Vivian ang in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa kanya. Pormal siyang umupo sa posisyon noong November 5, 2019.
Pahayag ni Vivian tungkol sa retirement pay ni Leo, “Ako, I was hoping, you know, that my transition from his leadership was fine.
“Meron pa ngang lumabas na mga issues, nagpa-interview siya with regards to his retirement pay, hindi ko daw binibigay.
“Sabi kong ganun, ‘It is not up to me, kasi hindi naman ako ang magdedesisyon.'
“Sabi ko, ‘Kumuha ka [ng letter] sa Office of the President, to tell me that you are entitled for a retirement pay.’
“Well, ang sabi sa akin ng mga legal advisors, he is not entitled for a retirement pay.
“So, yun ang sinasabi ko. Sabi ko, ‘Sumulat kayo sa Office of the President because that is beyond me.’
“I have not approved that kasi parang, ‘Okay, director general ako, therefore, kailangan ko ng isang milyon, 'yan ang retirement pay ko.’
“So, sino ang magsasabi sa 'yo na 'yan ng retirement pay mo? Binabayaran mo yung sarili mo, you cannot do that. Hindi mo pwede gawin yun.”
Ang Film Academy of the Philippines ay under ng Office of the President, at ang oversight government agency naman na nagpapalakad dito ay ang Department of Education (DepEd).
Dagdag pa ni Vivian, “You are under the Office of the President, then get, sabihin mo sa kanila, sabihin sa akin ng Office of the President na, 'I have to pay this much,' then I’ll pay you.
"Wala namang problema kung may pera ang FAP."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press si Vivian sa isang Zoom conference noong Sabado, December 12, kaugnay sa idadaos na Luna Awards.
Gaganapin ang Luna Awards sa Biyernes, December 18. Mapapanood ito online at sa UNTV Channel 37, 7 p.m.
“IN FACT, ANG DAMI KONG INAYOS”
Ayon pa kay Vivian, nakakuha na ng P500,000 si Leo bago pa man ito bumaba sa puwesto. Gusto pa nga raw niya itong habulin dahil kulang ang pondo ng FAP.
Sabi niya, “Before he left, which is on the eve of October 1, supposed to be ang pasok ko, October 31, nagpapirma siya sa board, and he was given the P500,000.
“So, naniningil pa siya sa akin ng another P500,000. E, yung P500,000 na yun, gusto ko pa ngang habulin yun, e.
“Because ang sabi sa akin ng mga legal ko, hindi siya entitled for that.
“So ngayon, lumabas pa 'yan sa diyaryo, maraming tumawag sa akin, sabi ko, ‘I will answer that at the right time.’
“Sabi ko naman sa kanila, ‘It’s legal, meron na siyang lawyer.' Sabi naman namin sa kanila, 'Kumuha kayo.'
"Pag sinabi ng Office of the President or even DepEd, kasi ang DepEd ang oversight agency namin, e.
“Even DepEd will say, ‘Vivian, you have to pay Leo Martinez this much.’
“Kung DepEd will say no, kasi sila ang boss namin, e, so sila dapat magsabi. So, who can say that he is entitled?
“So, yun ang aming issue.”
May best practices ba si Leo sa FAP na nais niyang ipagpatuloy?
Diretsong sagot ni Vivian, “Wala. Sorry, wala talaga. In fact, ang dami kong inaayos.”
LEO MARTINEZ SAYS HE DESERVES THE RETIREMENT FEE
Sa naunang ulat ng PEP.ph noong September 5, 2020 ay sinagot na ng kampo ni Leo ang pagtutol ni Vivian na ibigay ang natitirang retirement pay niya.
Nagpadala na raw ng sulat si Leo sa Office of the President na naka-address kay Executive Secretary Salvador Medialdea noong August 24.
Dito ay ipinaliwanag ng dating FAP director general na malaking bagay sa kanya ang retirement pay lalo sa panahong wala siyang pagkukunan ng income.
"I have had no work since the lockdown in March and have not received any income since then.
As our resources are almost wiped out, this payment due to me can definitely help pay our household bills and other essential needs like our maintenance and other medicine, plus doctor appointments.
"I am a senior citizen thus I have not left my home since March."
Diin pa ni Leo, may karapatan siyang makatanggap ng retirement pay matapos ang serbisyong ginampanan niya sa FAP.
"I have served the Film Academy of the Philippines (FAP) for 16 years and all records will show how much our office was able to bring in millions since I sat in office.
"FAP is under the Office of The President but does not receive any subsidy or budget."
Naka-attach sa sulat ni Leo sa Malacañang ang kopya ng reply letter ng kanyang mga abogado kay Vivian.
Ang mga abogado ni Leo ay sina Francisco Rodrigo Jr., Tomas Guno, at Vera Shayne Salcedo ng Rodrigo Berenguer & Guno Law Office. Si Atty. Rodrigo ay asawa ng aktres na si Boots Anson Rodrigo.
Taliwas sa pahayag ni Vivian, ipinaliwanag ng tatlong abogado na lehitimo ang approving body na pumayag bigyan ng retirement pay si Leo.
Binubuo raw ito ng Board of Governors, alinsunod sa panuntunan ng FAP.
Ayon pa rin sa mga abogado ni Leo, may isang dating FAP officer ang tumanggap ng retirement pay na PHP227,586.21 noong 2017; at isa pang dating officer na tumanggap ng PHP150,000 noong 2002.
May mga kaso rin daw kunsaan walong dating FAP officers na na-retrench noong 2007 ang binigyan ng separation pay na nag-range sa PHP20,000 to PHP179,000.
Hindi naidetalye sa sulat ng mga abogado ni Leo ang standard ng computation para sa retirement pay ng aktor.
Ngunit sinabi nilang sa kaso ni Leo ang halaga ng retirement na ginawad ay ibinase sa tagal ng tenure ng actor bilang FAP director general.
Dagdag pa rito ay malaki raw ang kontribusyon ni Leo para lumago ang pondo ng FAP.
Sabi pa rin ng mga abogado ni Leo: "He discovered that FAP was entitled to a share in the cultural tax collected by the local governments in Metro Manila and, through his tireless efforts, FAP collected approximately Thirty Eight Million (Php38,000,000) Pesos."
Noong nanunungkulan pa si Leo ay "PHP33,000" lamang daw ang suweldo ng aktor.
Gayong napag-alaman daw ni Leo na noong umupo sa puwesto si Vivian ay tinaasan umano ang suweldo nito, pati ibang staff members ng FAP.
Hindi rin daw applicable ang sinasabi ni Vivian na "additional or double compensation" ang sinisingil ni Leo sa FAP dahil retirement pay daw iyon.
Bagamat sinasabi ni Vivian na nasa Office of the President o DepEd ang magdedesisyon ukol sa retirement fee ni Leo, tila hands-off ang Malacañang sa isyu.
Sa nakuhang kopya ng PEP.ph ng sulat ni Malacañang assistant secretary Atty. Kim Raisa Uy, nakasaad ditong ipinapasa nila kay Vivian ang natanggap na sulat ng Malacañang mula kay Leo.
Nasa kamay raw ni Vivian kung paano reresolbahin ang apela ni Leo.
Bahagi ng pahayag ni Uy: "Advice of the action taken hereon direct to the party concerned shall be highly considered and most appreciated."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
