Kinakiligan ng ilang celebrities at netizens ang birthday message ni Nash Aguas, 22, para sa girlfriend at "boss" niyang si Mika dela Cruz.
Kahapon, December 9, nagdiwang ng kanyang ika-22 kaarawan si Mika.
Kahapon din, nagbahagi ng pagbati ang Kapamilya actor sa Kapuso star sa pamamagitan ng Instagram.
Mensahe ni Nash, “To my boss, Happy 22nd Birthday.
“Lagi lang ako nasa likod mo, susuportahan ka. I love you.”

WELL-WISHERS
Kabilang sina Eula Valdes at Daryl Ong sa mga bumati kay Mika sa post ni Nash.


TIKTOK VIDEO
Sa kanya namang Instagram, nagbahagi si Mika ng isang TikTok video.
Saad niya sa caption, “i needed to do this for my not so stupid 22nd birthday today-
#potentialbreakupsong #ittooktoolongforyoutocallback”

Binati naman siya nina Barbie Forteza, Maureen Wroblewitz, Kate Valdez, at ilang netizens.

NASH-MIKA RELATIONSHIP
Dalawang taon na ang relasyon nina Nash at Mika.
Ipinagdiwang nila ang kanilang second anniversary noong October 20, 2020.
Inamin nila ang kanilang relasyon noong November 12, 2018 sa pamamagitan ng series of Instagram posts.
Dito ay ikinuwento ng magkasintahan na umabot sa halos 11 taon ang kanilang love story na nagsimula sa set ng defunct Kapamilya gag show na Goin’ Bulilit.
Siyam na taong gulang noon si Nash, at walong taong gulang naman si Mika.
Sa murang edad niyang iyon, sinubukan daw ni Nash na pormahan si Mika.
Sinamahan niya ang kanyang post ng larawan nila ni Mika kung saan nakaakbay siya rito.

Bahagi pa ng post ni Nash: “Paborito ko tong picture na to eh. Sa Wowowee to (around 2007), sumayaw tayo nyan ng opening prod.
"Tapos nung nag commercial gap na, may tinuturo ako sa taas tapos sinasabi ko 'dyan dati nagtrabaho si mommy.'
"Hindi talaga dun nagtrabaho si mommy. Sinabi ko lang yun para may mapagusapan tayo tsaka para ma akbayan kita [laughing emoji].
"Eh wala eh. 'Crush' kita nun eh.
"Tapos kinapalan ko na yung mukha ko sa mga sumusunod."
Tinapos ni Nash ang mahabang post niya noon sa isang nakakakilig na talata: "Sa bandang huli, sya din pala ang bubuo sa akin."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
