Galit at emosyunal na nagsalita ang domestic partner ng Slapshock frontman na si Jamir Garcia kaugnay ng biglaang pagkamatay ng vocalist ng sikat na OPM heavy metal band.
Huwebes ng umaga, November 26, nang natagpuang walang buhay si Jamir, 42, sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sangandaan, Quezon City.
Dead-on-arrival ang singer sa Metro North Medical Center Hospital.
Binawian ng buhay si Jamir mahigit isang buwan makaraang mabalita nitong unang bahagi ng October na disbanded na ang 23 anyos na banda.
Nitong October 22, kinumpirma ni Lee Nadela, bassist ng Slapshock, sa exclusive report ng Daily Tribune ang tungkol sa “scandal” na nagbunsod daw sa pagwawatak-watak ng grupo.
Ang eskandalo ay may kinalaman sa royalties na nasisingil ng banda mula sa digital sales ng mga kanta ng Slapshock, ayon kay Lee.
Bukod kina Jamir at Lee, miyembro rin ng Slapshock sina Jerry Basco, Lean Ansing, at Chi Evora.
“LALABAS DIN ANG KATOTOHANAN!”
Sa pagpanaw ni Jamir, naulila niya ang partner na si Sojina Jaya Crisostomo at ang tatlo nilang anak na edad 15, 8, at 3.
Si Jaya, isang businesswoman-vlogger, ay 18 taon nang life partner ni Jamir.
Nitong Biyernes, November 27, nag-Facebook Live si Jaya para sana “ikuwento ang buong pangyayari” tungkol sa pagkamatay ni Jamir.
“Gusto ko lang sana talaga ipagtanggol si Jamir, at linawin ang lahat,” saad sa caption ng post ni Jaya.
Pero sa huli, na-realize daw ng ginang na “mas magiging masaya siya [Jamir] kung aalalahanin na lang natin ang masasayang nagawa niya.”
Naniniwala raw kasi si Jaya na kahit hindi na siya magdetalye ng mga impormasyong maglilinis sa pangalan ni Jamir, “LALABAS DIN ANG KATOTOHANAN!”
Sabi pa ni Jaya (published as is): “Sinira siya ng mga taong inggit, pero hangng sa huling hininga Kayo padin ang prinotektahan niya.
“Nakatanaw ang Panginoon sa ating lahat. Alam ko makakamit niya din ang hustisya.”
“LAHAT NG PROBLEMA NIYA, KINIMKIM NIYA LANG”
Bagamat walang binanggit na detalye, hindi napigilan ni Jaya ang maglabas ng matinding sama ng loob sa nangyari.
Kung nabubuhay pa raw si Jamir, hindi nito papayagang magbigay si Jaya ng pahayag sa social media, gaya ng ginagawa ng ginang nang mga oras na iyon.
“Si Jamir yung tipo na kahit na dinudurog ka na ng tao, ayaw niya magsalita,” sabi ni Jaya.
“Ayaw niyang ipagtanggol namin siya. Ayaw niya na madamay kami,” aniya, tinukoy ang kanilang pamilya.
“Lahat ng problema niya kinimkim niya lang.”
Pero ngayong wala na raw si Jamir, “wala nang magtatanggol" sa singer "kundi ako na lang,” sabi ni Jaya.
“Gusto kong subukan na liwanagin lahat ng issue na ikino-connect kay Jamir, dahil alam nyo naman, simula nung pumutok yung balita na yun, wala kayong narinig sa amin.”
Ang issue tungkol sa pagdi-disband ng Slapshock ang "balita" na tinutukoy ni Jaya.
“Hindi kami nagsalita, kahit na gaanong pandudurog pa yung ipinukol sa amin, hindi kami nagsalita.
“Dahil naniniwala kami sa katarungan.”
FEELING OF BETRAYAL?
Pigil ang luha pero ramdam ang matinding galit sa boses ni Jaya.
Hindi raw niya inakalang ganoon katindi ang magiging epekto kay Jamir ng isyung may kinalaman sa pagkaka-disband ng Slapshock.
“Nung lumabas yung balita, lahat kami nasaktan, lahat kami nahihirapan, lahat kami umiyak unang araw pa lang.
“Dinibdib niya lahat ng sakit na ipinukol niyo sa kanya,” sumbat ng ginang.
Paliwanag ni Jaya, hindi ang mga akusasyong ibinabato kay Jamir ang pinakamatinding ikinasama ng loob nito.
“Sa totoo lang, hindi niya iniintindi yung mga ipinupukol sa kanya.
“Yung mga ibinibintang sa kanya, wala siyang pakialam dun.
“Hindi niya lang po matanggap na yung mga taong minahal niya, yun pa yung gumawa sa kanya ng ganun.”
“ALAM NiYO KUNG SINO KAYO”
Hindi nagbanggit ng pangalan si Jaya sa buong video.
Pero nagbigay siya ng diretsahang mensahe sa mga taong “mahal na mahal” daw ni Jamir.
May diin at gigil sa boses ni Jaya: “Alam niyo kung sino kayo.
“Mahal na mahal kayo ni Jamir pero ginawa niyo ito sa kanya.”
Ayon sa biyuda ni Jamir, sa kagustuhan na rin ng Slapshock vocalist, pinili raw ng kanilang pamilya ang manahimik sa issue.
Pero sa halip daw makonsensiya, “nag-enjoy” sa pagpapakalat ng “pekeng news” ang mga naninira umano kay Jamir.
“Nanahimik kami dahil ayaw namin yung ginagawa niyo… pero anong ginawa niyo? Nag-enjoy kayo.
“Nagpakawala kayo ng mga pekeng news. Gumawa kayo ng mga pekeng istorya para lang mahila niyo pababa si Jamir,” pag-aakusa ni Jaya.
“WALA KAYONG UTANG NA LOOB”
Kasunod nito ang mahabang litanya ni Jaya laban sa mga taong kanyang pinatatamaan.
“Napakasama niyo! Anong klaseng mga tao kayo?
“Itinuring kayong kapatid, mahal na mahal niya kayo.
“Pero dahil sa pera at inggit, ginawa niyo lahat ito sa kanya.
“Wala kayong mga kuwenta. Wala kayong utang na loob.
“Minahal kayo ni Jamir, higit pa sa kapatid.
“Wala kayong konsensiya.
“Hindi niya deserved itong ginawa niyo sa kanya,” napaiyak nang sabi ni Jaya.
LEE REACTS TO JAYA’S RANTS
Kinabukasan, November 28, sa pamamagitan ng isang Facebook post ay nag-react si Lee sa mga patutsada ni Jaya.
Mensahe ni Lee kay Jaya: “Please don’t accuse me and Jerry Basco of wrongdoing, when we were just speaking out the truth and the injustice done to us.”
Pakiusap pa ni Lee, huwag naman daw sanang ibunton ni Jaya sa kanila ni Jerry ang sisi sa pagkamatay ni Jamir.
“Huwag mo sanang gawing galit ang lungkot na nararamdaman nating lahat, at ipasa ang galit sa amin o maghanap ng sisisihin, dahil wala naman talagang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit nagawa ni Jamir yun.”
Nanindigan si Lee na “walang basehan” ang mga akusasyon ni Jaya laban sa kanila ni Jerry.
“Either tinatago mo ang katotohanan or wala kang alam at all sa nangyari sa band namin,” ani Lee.
LEE TO ANSWER ALLEGATIONS WITH “CONCRETE EVIDENCE”
Nagpahayag si Lee ng kahandaang sagutin nang punto-por-punto—sa korte—ang lahat ng alegasyon ni Jaya.
Pero paglilinaw ng gitarista, hindi niya iyon gagawin sa ngayon.
Sabi ni Lee kay Jaya: “We will answer all your baseless accusations and refute it with concrete evidence, na dapat sa korte ipepresenta.
“Kung sinasabi mong may evidence ka rin na hawak, sabay nating ilabas.
“Expect an answer from us. But for now, with all due respect to Jamir and family, we will mourn his passing.”
Ayon kay Lee, “deeply saddened” siya sa trahedyang kinasapitan ni Jamir.
Mahal daw kasi niya ito na “parang kapatid” sa mahigit dalawang dekada nilang pagsasama sa Slapshock.
“We may have had differences, pero mas mahaba at mas marami kaming mabuting pinagsamahan for 23 years,” kuwento ni Lee.
Slapshock fan Retep Rabulan posts this on Lee Nadela's Facebook page
“Mahal ko siya na parang kapatid at nalungkot ako na ito ang pinili niyang paraan.
“God knows wala sa isip ko na sa ganito hahantong ang lahat,” ani Lee.
THE DISBANDMENT OF SLAPSHOCK
Sa report ng Daily Tribune nitong October 22, inilathala ang official statement ni Lee bilang pagkumpirma sa naglabasang ulat na disbanded na ang Slapshock.
Ibinunyag ni Lee na “friction among its members had been brewing for years.”
Pinalala pa raw ito ng COVID-19 pandemic, kung saan “friendships, loyalty, intentions, and our sense of brotherhood were tested.”
Kuwento ni Lee, sa awiting “Sana Pag Gising,” na ini-release ng Slapshock noong May 16, 2020, sa unang pagkakataon sa nakalipas na 23 taon ay hindi sila kasama ni Jerry sa recording nito.
Bagamat naroroon daw sina Lee at Jerry sa music video ng kanta, hindi raw pumasok sa isip ni Lee na sina Jamir, Lean, at Chi “were laying the ground for total control of the band.”
Kalaunan, natuklasan daw nina Lee at Jerry na ang tatlo nilang bandmates “had finished recording a six-song EP that was already in the mixing and mastering stage.”
Sadya umanong hindi isinama nina Jamir, Lean, at Chi sina Lee at Jerry sa recording ng bagong album na iyon, ayon kay Lee.
THE “GRAVE MISTAKE”
Pero ang “grave mistake” daw nina Jamir, Lean, at Chi ay “withdrawing band royalties from our account in Tunecore without our permission,” sabi ni Lee.
Bukod dito, ayon kay Lee, sinabihan umano sila nina Jamir, Lean, at Chi “that we would no longer receive any royalties.”
Iyon daw ang tunay na dahilan kaya nagdesisyon sina Lee at Jerry na tumiwalag sa banda.
Pero ayon kay Lee, “Jamir, Lean and Chi are trying to put the blame of the disbandment of Slapshock on me and Jerry — when, in fact, Jamir, Lean and Chi instigated this whole thing.”
Sa parehong report, nakasaad na tulad ni Lee, hiningan din ng komento si Jamir sa issue.
Wala raw response ang Slapshock frontman.
THE BROTHERHOOD
Bago pa man naisapubliko ang statement na ito ni Lee, nagpahayag sina Lean at Chi ng suporta kay Jamir sa kani-kanilang Instagram pages nitong October 18.
Nag-post si Lean ng litrato nilang tatlo nina Jamir at Chi.
Caption ni Lean: “Solidarity in adversity! You can never put a good man down. Hanggang sa dulo bros!”
Naka-tag sina Jamir at Chi sa post na ito ni Lean na may hashtag na #pinakamamahalkongmgatao.

Solo picture naman ni Jamir ang ipinost ni Chi.
Ramdam sa caption ang respeto at suporta ni Chi para kay Jamir.
Caption ni Chi: “You are the most SELFLESS PERSON I know. NO ONE can DESTROY YOU! I’m with you all the way till the END my brother!”

May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng anxiety at depression.
Tumawag sa mga hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 8804-HOPE (4673), sa 0917 558 HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
