Natagpuang patay ang frontman ng Pinoy heavy metal band na Slapshock na si Jamir Garcia sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City ngayong Huwebes ng umaga, November 26.
Si Vladimir “Jamir” Garcia ay 42 anyos.
Ayon sa initial report mula sa Quezon City Police District (QCPD), bandang 9:20 ng umaga ngayong Huwebes nang natagpuan si Jamir na walang buhay sa loob ng bahay nito sa Barangay Sangandaan, Quezon City.
Kaagad na nagpasaklolo sa pulisya ang hindi pinangalanang live-in partner ni Jamir dahil sa insidente.
Naisugod pa sa Metro North Medical Center Hospital si Jamir.
Pero idineklara siyang dead-on-arrival pasado 10:00 ng umaga, ayon sa QCPD report.
Trending sa Twitter si Jamir ngayong Huwebes.
At press time, hindi pa kinukumpirma ng mga awtoridad o ng sinuman sa pamilya ang sanhi ng pagkamatay ng vocalist ng Slapshock.
Taong 1997 nang itatag ang Slapshock, na nagpasikat ng mga awiting “Agent Orange,” “Misterio,” “Langit,” at “Cariño Brutal.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
