PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Catriona Gray gets apology from Miss Universe Colombia org; shares another “Filipina” post

Catriona back in PH with “This Filipina has landed” post.
by Jet Hitosis
Published Nov 19, 2020
Catriona Gray
Miss Universe Colombia Organization apologizes to beauty queen-TV host Catriona Gray over the pageant host's "Australian by birth" introduction for the Pinay Miss Universe 2018 winner.
PHOTO/S: @catriona_gray on Instagram

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Miss Universe Colombia Organization kay Catriona Gray kaugnay ng kontrobersiyal na introduction ng pageant sa Pinay beauty queen.

Kabilang si Catriona, 26, sa panel of judges sa Miss Universe Colombia 2020 coronation night nitong Martes, November 17.

Inalmahan kasi ng fans ni Catriona ang pagpapakilala sa kanya ng host ng pageant bilang “Australian born who represented the Philippines” sa Miss Universe 2018.

Si Catriona ang nag-uwi ng Miss Universe 2018 crown, ang ikaapat para sa Pilipinas.

Ayon sa fans, ipinahihiwatig daw ng introduction na Australian si Catriona, na naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2018.

Hindi naglabas ng opisyal na pahayag si Catriona tungkol sa kontrobersiyang ito.

Pero nag-post siya ng Instagram Story nang gabing iyon, kung saan ipinagmalaki niya ang pagiging “Filipina.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE “CULTURAL DIFFERENCES,” “LANGUAGE BARRIERS”

Sa official statement ng organisasyon na inilabas ngayong Huwebes, November 19, ipinaliwanag ni Miss Universe Colombia President-National Director Nathalie Ackermann na “cultural differences” ang naging issue sa naging pagpapakilala kay Catriona bilang pageant judge.

Nag-sorry rin si Ackermann sa maling spelling ng apelyido ni Catriona.

Sa halip kasing Gray, “GARAY” ang nabasa sa on-screen graphics habang ipinakikilala si Catriona sa pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang misspelled last name naman, ayon kay Ackermann, ay dulot daw ng “some language barrier.”

Saad sa statement ni Ackermann:

“We also would like to express our apologies for the mistake of her last name due to some language barrier and the announcement that she was born in Australia…”

“…the translated language that was sent for introduction is ‘Born in Australia, from the Philippines who is Miss Universe 2018’ it is honestly part of the cultural differences as here in Colombia, we regard the value of unity and cross-cultural importance.”

COLOMBIA, THE PHILIPPINES, AND MISS UNIVERSE

Tiniyak ni Ackermann na “there is no malice intended” sa mga naging pagkakamali ng pageant sa ikaapat na Pinay Miss Universe.

Ang bahaging ito ng pahayag ni Ackermann ay may kaugnayan sa pinalulutang ng ilang fans ni Catriona na ang mga blunder ay may kinalaman umano sa sama ng loob ni Miss Colombia 2015 Ariadna Gutierrez sa mga Pilipino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Ariadna ang first runner-up ng ikatlong Miss Universe ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach (2015).

Nabalutan ng kontrobersiya ang pagkatalo ni Ariadna kay Pia nang magkamali ang host na si Steve Harvey na sambitin ang bansang Colombia bilang Miss Universe 2015 winner.

Pero makalipas ang ilang minuto, inamin ni Steve na nagkamali siya ng basa, at Pilipinas daw talaga ang mag-uuwi ng korona.

Sa entablado, binawian ng Miss Universe crown at sash si Ariadna at inilipat ang mga iyon kay Pia.

THE ARIADNA GUTIERREZ STORY

Sa isang Zoom interview nitong October 3, 2020, inamin ni Ariadna na hindi niya akalaing mananalo si Pia.

Mistulang “ghost” daw kasi ang pambato ng Pilipinas dahil hindi niya ramdam ang presensiya nito sa pageant activities.

Dahil sa sinabing ito ni Ariadna, nakatikim siya ng matinding pamba-bash sa social media mula sa mga Pilipino.

Giit ng mga nam-bash, halos limang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin daw tanggap ni Ariadna ang pagkatalo nito kay Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depensa naman ni Ariadna, mali ang intindi ng mga Pilipino sa kanyang sinabi.

Sa Spanish daw kasi siya nagsalita at marahil ay namali ang translation nito sa English.

Sa kabila nito, hindi raw pinepersonal ni Ariadna ang pambabatikos ng mga Pilipino.

Marami rin naman daw kasing mensahe ng suporta at pagmamahal ang natatanggap niya mula sa iba pang Pilipino.

FORGIVENESS FROM CATRIONA

Sa statement ng Miss Universe Colombia Organization, nilinaw ni Ackermann na personal niyang hinahangaan ang “Filipino culture and the kindness of the people from the Philippines.”

Siya raw kasi mismo ay may kaibigang Pilipino “who is like a brother to me,” ani Ackermann.

Ipinahihiwatig ni Ackermann na walang sama ng loob ang Miss Universe Colombia Organization sa mga Pilipino.

Sa huli, umaasa si Ackerman at ang buong pamunuan ng Miss Universe Colombia na tatanggapin ni Catriona ang paghingi nila ng paumanhin.

“I hope that Catriona Gray will not take this matter against us and can forgive us and our management,” sabi ni Ackermann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CATRIONA SHARES ANOTHER “FILIPINA” POST

Miyerkules ng gabi, November 18, sa isang Instagram post ay ibinalita ni Catriona na nakabalik na siya sa Pilipinas.

Sa ibinahagi niyang litrato mula sa alien-inspired photoshoot, kapansin-pansing muling tinawag ni Catriona ang sarili bilang isang “Filipina.”

Maiksi pero makahulugang caption niya: “This Filipina has landed. [alien, space, rocketship emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna rito, sa isa pang Instagram post ni Catriona ay nagpasalamat siya sa Colombia “for sharing your warmth and heart with me on this trip.”

Ang mensaheng ito ay bahagi ng kanyang post nitong Miyerkules tungkol sa pagbisita niya sa mga benepisyaryo ng Smile Train sa Colombia.

Ang Smile Train ay isang international charity organization na nagbibigay ng libreng operasyon sa mga batang may cleft lip palate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I felt embraced with open arms and I can’t wait to be back. Muchas gracias!!” sabi pa ni Catriona.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Colombia Organization apologizes to beauty queen-TV host Catriona Gray over the pageant host's "Australian by birth" introduction for the Pinay Miss Universe 2018 winner.
PHOTO/S: @catriona_gray on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results