PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Manalo, Senator Sherwin Gatchalian celebrate second anniversary

Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian confirmed their relationship in November 2019.
by Arniel C. Serato
Published Nov 19, 2020
Bianca Manalo posts sweet photo with boyfriend Senator Sherwin Gatchalian on their second anniversary yesterday, November 18.
PHOTO/S: Courtesy: @biancamanalo on Instagram

Dalawang taon na ang relasyon ng beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo, 32, at ni Senator Sherwin Gatchalian, 46.

Kahapon, November 18, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang pangalawang anibersaryo.

Sa Instagram, ibinahagi ng Ang Probinsyano actress ang larawan nila ng mambabatas na magkayakap.

Sabi niya sa caption, “Happy 2nd Anniversary.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod na ipinost ni Bianca ang dalawang larawan kung saan hawak-hawak niya ang buslo ng mga pulang rosas.

Caption niya, “Thank you for the flowers, babe.”

Sa comments section, nagpaabot ng pagbati kay Bianca ang ilang celebrity friends niya, kabilang si Senator Joel Villanueva, at ng ilang followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BIANCA-SHERWIN RELATIONSHIP

Nobyembre 2018, unang namataan ng netizens na magkasama sina Bianca at Senator Gatchalian.

April ng kasunod na taon, may mga lumalabas na litrato sa social media kung saan mukhang nagdi-date ang dalawa.

Hunyo ng taong 2019, sa Hong Kong naman sila spotted habang nagbabakasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi nagpu-post si Bianca ng mga larawan nila sa kanyang social media accounts.

Unang nag-post si Bianca ng larawan nila ng senador noong October 10, 2019 kung saan magkasama silang dumalo sa 50th birthday celebration ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.

Nakalagay sa caption ni Bianca sa larawan nila ng senador: “This thing called love.”

Kinumpirma ni Bianca ang relasyon nila ni Senator Gatchalian noong November 20, 2019 dahil sa post nito tungkol sa kanilang unang anibersaryo.

Mensahe ng Ang Probinsyano actress: “Imagine being loved the way you love.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Manalo posts sweet photo with boyfriend Senator Sherwin Gatchalian on their second anniversary yesterday, November 18.
PHOTO/S: Courtesy: @biancamanalo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results