“Yung may nakita ka nang mali pero nag inspect ka lang.”
Ito ang makahulugang mensahe ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro tungkol sa mga lumabas na larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nagsasagawa ng aerial inspection sa lalawigan ng Cagayan kahapon, November 15.
Halos maging isla ang buong Tuguegarao City sa Cagayan dahil sa malawakang baha na dulot ng Typhoon Ulysses.
Kasama ng Pangulo sa kanyang aerial inspection si Senator Bong Go, dating special assistant to the president.
Kalakip ng mensahe ni Glaiza ang screen shot ng report ng CNN Philippines:
Nakalagay rito: “LOOK: President Duterte conducts an aerial inspection in typhoon-hit Cagayan Valley. Cagayan has been placed under a state of calamity due to devastating floods which local officials described as the worst in the province's history.”
NETIZENS REACT
Hindi na nagbigay ng detalye si Glaiza tungkol sa kanyang maikling tweet, pero umani ito ng iba-ibang reaksiyon mula sa netizens.
May mga sumang-ayon at nakuha kaagad ang ibig sabihin ng aktres.
Matagal nang may mga pasaring ang ilang netizens—kasama ang mga celebrities—sa pagresponde ng Pangulong Duterte sa mga kalamidad, kasama na ang pandemic.
Naroon yung nagtrending ang #NasaanAngPangulo noong Bagyong Rolly, at nariyan din ang pagkabahala ng marami na tila ang tanging inaasahan ng gobyerno bilang sagot sa pandemya ay ang "uunahin" daw ng Tsina ang Pilipinas sa madidiskubreng vaccine.
Pero tulad ng inaasahan, kagaya ng ibang mga celebrity na naghahayag ng opinyon laban sa pamahalaan, labis na naapektuhan at minasama ito ng mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte.
Binatikos ng die-hard Duterte supporters si Glaiza.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon sa one-liner na tweet ng aktres:
GOVERNMENT EFFORTS IN CAGAYAN
Biyernes ng gabi, November 14 umingay sa social media ang hastags na #CagayanNeedsHelp at #IsabelaNeedsHelp.
Ito ay matapos mabilis na tumaas ang tubig-baha sa mga lalawigang ito kahit nakaalis na ang bagyong Ulysses sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinisi ng karamihan ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam nang halos naabot nito ang spilling level.
Sa pulong ni President Duterte, ilang cabinet members, at opisyales ng Cagayan, kasama na si Governor Manuel Mamba, napag-usapan ang tungkol sa reforestation at climate change na malaking dahilan umano ng tinamong sakuna ng probinsiya.
Ipinag-utos ni President Duterte kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na magkaroon ng audit sa mga small-scale mining sa Cagayan.
Ang pagmimina ang isa raw sa maaaring sanhi ng malawakang pagbaha sa lugar.
Pati ang illegal logging sa lugar ay pinapaimbestigahan din ng Pangulo.
Saad ng Pangulo, "It props up every now and then. I will direct here General Cimatu to look into the illegal mining, especially where the people are building their shelters downwards.
“If... the possibility is not there for them to stop, at least General Cimatu should devise a way where they can place their houses well above the rolling stones if they come."
Ipinanukala rin ng ilang cabinet members ang dredging ng Cagayan River upang lumalim ipa ito.
Sa taya ng gobyerno, halos P6 bilyong piso ang damage sa infrastructure at mga kabahayan at ari-arian sa Cagayan.
May naitala ring 69 kataong patay dahil sa nasabing sakuna.
Patuloy hanggang ngayon ang relief at rehabilitation efforts ng gobyerno, at maging ng private sectors, sa Cagayan at Isabela.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
