Sa tagal na rin ni Xian Lim sa local showbiz industry, natuto na siya kung paano i-handle ang kanyang bashers.
Sa kanya ngang latest vlog, nagbasa pa siya ng mean comments tungkol sa sarili niya at nagbahagi na rin ng ilang payo sa kanyang subscribers and followers.
Pero may panahon noon na napaiyak si Xian.
Hindi dahil sa naapektuhan siya sa mga sinasabi ng kanyang bashers, kundi dahil sa na-touch siya sa ipinakitang suporta ng mga taong naniniwala sa kanya sa kabila ng negative comments at pamba-bash na nakukuha.
Sa presscon ito noon ng Star Cinema film na Everything About Her (2016).
Kasama niya sa pelikulang ito sina Congresswoman Vilma Santos-Recto at Angel Locsin.
Habang lumuluha, pinasalamatan niya ang kanyang mga taga-suporta: fans, entertainment writers, mga kaibigan, at co-stars.
Sa isa pang presscon tungkol sa pelikula, ipinaliwanag naman niya kung bakit siya naiyak.
Sabi ng aktor, nanginig na lang daw siya noon at bumuhos ang luha dahil naiisip niya ang suportang nakuha niya sa mga taong naniniwala pa rin sa kanya sa kabila ng mga isyu at mga masasamang comments na ibinabato sa kanya.
#XianLim #RememberWhen #PEPrememberwhen
Video by Mark Atienza (main) and James Patrick Anarcon (body text video)
Edit: Rommel Llanes
Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Watch us on Kumu: pep.ph






