PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

G Tongi gets hate tweets from DDS after "hair plugs" tweet about Arnell Ignacio

G Tongi on hate tweets: "I can’t understand a lot of ur tweets coz dds jologs"
by Arniel C. Serato
Published Nov 6, 2020
G Tongi: "Freedom of speech and healthy discourse please. Calling someone dumb is not an argument to make for people expressing themselves."
PHOTO/S: Courtesy: @gtongi on Instagram

Tinawag na “jologs” o “baduy” ni G Tongi ang DDS o Die-hard Duterte Supporters dahil sa mahirap intindihing tweets ng mga ito laban sa kanya.

DDS ang tawag sa masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si G, isang actress-TV host na nakabase ngayon sa Amerika, ay kilalang kritiko ng administrasyong Duterte.

Sa kanyang Twitter nitong Huwebes ng gabi, November 5, nagbahagi ng dalawang magkasunod na posts si G.

Sa kanyang unang tweet, binigyang linaw ni G ang tatlong punto.

Una, vocal daw siya pagdating sa kanyang paniniwala at bahagi ng pagkatao niya ang "activism."

Pangalawa, hindi raw niya maintindihan ang karamihan ng tweets na natatanggap niya mula sa "dds" dahil "jologs" ang pagkakasulat nito.

Pangatlo, katotohanan lamang ang sinabi niya tungkol sa "hair plugs."

Buong mensahe ni G: "Lots tweeting me back after my recent tweet.

"3 things, if I may?

"1. I have always been vocal about my beliefs that keep Filipinos oppressed. Activism is part of who I am.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"2. I can’t understand a lot of ur tweets coz dds jologs #sorrynotsorry

"3. I stated a fact on the hair plugs."

Ang "hair plugs" na tinutukoy ni G ay may kinalaman sa naging buwelta niya sa TV host-comedian na si Arnell Ignacio.

Ito ay kasunod ng November 2 Facebook post ni Arnell kung saan sinabi niyang mahirap ipagtanggol ang ibang artista na me yabang pa nga sa katangahan” dahil sa paghahayag nila ng opinyon laban sa administrasyong Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong mensahe ni Arnell: "Noon ang artista kadalasan ang tingin, e, mahina ang ulo... na stereoyped kung baga.

"Nakakasama nga ng loob noon... pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba, eh. Me yabang pa nga sa katangahan, e.”

Kilalang Duterte supporter o DDS ang TV host-comedian.

Sinagot naman ito ni G sa kanyang Twitter account nitong November 4.

Dito ay pinaalalahanan ng 42-year-old actress-TV host si Arnell na magdahan-dahan sa "pag atake ng mga kasamahan sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila..."

Pinatutsadahan din ni G ang hairpiece ni Arnell.

Aniya, "Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka.."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binatikos si G ng ilang netizens, partikular na ang mga DDS, dahil sa pamimersonal sa pag-atake niya kay Arnell.

HEALTHY DISCOURSE

Sa isa pang tweet ni G, nanawagan siya ng healthy discourse o maayos na paraan ng pakikipagdebate.

Ang pagtawag daw kasing "dumb" sa isang taong naghahayag ng kanilang opinyon ay hindi isang argumento.

Ani G, “Lastly and most importantly... Freedom of speech and healthy discourse please.

“Calling someone dumb is not an argument to make for people expressing themselves. Politics aside and humanity first ok?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa naglalabas ng kanyang sagot si Arnell ukol sa naunang tweet ni G.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
G Tongi: "Freedom of speech and healthy discourse please. Calling someone dumb is not an argument to make for people expressing themselves."
PHOTO/S: Courtesy: @gtongi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results