Hindi napigilan ni Kylie Verzosa ang sariling mag-react sa latest Instagram photo ng nobyong si Jake Cuenca.
At aliw na aliw ang Instagram followers ng 32-year-old Kapamilya actor sa naging reaksiyon ng 28-year-old beauty queen-turned-actress.
Nakasuot ng KN95 face mask at pants pero walang damit pang-itaas si Jake sa litratong ipinost niya nitong Lunes, September 28.
Fit na fit ang aktor, na obvious na ipinagmamalaki ang nakahulma niyang abdominal muscles.
Resulta iyon ng regular na pag-eehersisyo ni Jake, na ang workout routine ay madalas niyang ipinu-post sa Instagram.
Caption ni Jake: "Stay ready, stay healthy."
Maraming followers ni Jake ang nag-react ng fire emoji, na ang ibig sabihin ay hot o sexy ang dating ng aktor sa litrato.
JAKE’S SHIRTLESS PHOTO
Pero iba ang napansin ni Kylie sa picture ng boyfriend.
Idinaan ng Miss International 2016 winner sa biro ang kanyang komento, kalakip ang isang crying-laughing emoji sa dulo.
Comment ni Kylie (published as is): “Baka naman pwede itaas yung pants kg konti!”

Tinukoy ng dating beauty queen ang pagkakababa ng pants ni Jake, kung saan nasisilip na ang bahagi ng puson nito.
Ilang Instagram followers ni Jake ang natatawang napakomento sa sinabi ni Kylie.
Pabiro nilang tinawag si Kylie ng “damot” at “makasarili.”



Sinabihan din nila ang aktres na “sharing is caring,” lalo na't “gang tingin na nga lang kami e!”



May ilan namang nagbiro na "medyo ang taas pa nga" ng pants ni Jake, kaya "Ibaba Dapat!" iyon.


Samantala, may dalawang followers ni Jake ang sumegunda sa pakiusap ni Kylie sa nobyo.

JAKE AND KYLIE
Sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na Ang Panday unang nagkatrabaho sina Kylie at Jake.
Pero sa pagsasama nila sa ABS-CBN teleseryeng Los Bastardos nagkapalagayan ng loob ang dalawa.
Umere ang Los Bastardos simula October 2018 hanggang September 2019.
June 14, 2019 nang inamin ni Jake na girlfriend na niya si Kylie.
Sinabi ni Jake noon na pitong buwan na silang nagde-date ng Pinay Miss International.
Ibig sabihin, December 2018 nang maging sila, o dalawang buwan simula nang magkatrabaho sila sa Los Bastardos.
Nangangahulugang sa December ay ipagdiriwang nina Jake at Kylie ang kanilang 2nd anniversary.
Sa kasalukuyan, napapanood si Jake sa bagong Kapamilya series na Walang Hanggang Paalam. Bida sa serye sina Paulo Avelino, Arci Muñoz, Zanjoe Marudo, at Angelica Panganiban.
Samantala, busy sa pagsailalim sa acting workshops si Kylie para sa bagong project na pagsasamahan nila nina Xian Lim at Marco Gumabao.
Wala pang opisyal na detalye kung ano ang next project nina Kylie, Xian, at Marco.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Also, you can use these Zalora promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
